Zaijian Jaranilla, lumabas na sinungaling sa pag-deny ni KC Concepcion! *new*

TINADTAD NA NAMAN ako ng text messages ni Julio Diaz, tungkol sa interbyu ni Direk Brilliante Mendoza sa The Bottomline ni Kuya Boy Abunda.

Mukhang hindi nagustuhan ni Julio ang pagkakasabi ni Direk Mendoza na diumano eh, pinasapak niya si Julio kay Coco Martin sa isang pelikulang pinagsamahan nila. Actually, ang tsikahan ni Julio with a certain Bheng ang ipinapasa nito sa akin.

Basta, galit na galit si Julio sa nasabing direktor, lalo na sa pagsasabi nito na nababayaran lang daw ng P5K ang mga artista na kinukuha niya sa kanyang pelikula.

Actually, unprintable na ang mga salita ni Julio sa kanyang text messages, eh. Dahil minumura na niya ang nasabing direktor.

Isang artistang nakasama nila sa isang pelikula ni Coco ang tinext ko about it. Simple lang ang isinagot nito sa akin.

“Malamang, nagsa-sour graping lang si Julio. Kasi, hindi siya nakasama sa entourage na pumunta ng Cannes Film Festival for Kinatay. Baka ‘yun ang ikinagagalit niya kaya kahit na ano ang sabihin ni Direk Brillante in the said interview eh, parang hindi maganda lahat ang dating sa kanya.”

Oo nga naman. Eh, from out of the blue, ibang number pa ang ginamit ni Julio pero nagpakilala naman nang tanungin ko na siya nga ‘yun. Hay… hindi na ‘ata naubusan ng reklamo sa industriya si Julio. Bakit kaya?

SA SAGOT NI KC Concepcion nang matanong sa The Buzz off-cam kung totoo ba ang sinabi ng bagets na si Zaijan Jaranilla sa press na dumalaw sa taping nito ng Noah, kung saan kinukunan ni Direk Lino Cayetano si Piolo Pascual, diretsahang sinabi ni KC na hindi siya napapadpad sa nasabing set sa Subic.

“Ang layo po nu’n. Three hours ang biyahe. And besides, marami po akong pinagkakaabalahan. Marami akong work kaya I don’t have the time to go out of-town.

At kung dadalaw man po ako sa set ng Noah, ang dadalawin ko po eh, si Direk Malou (Sevilla) and not Lino.”

Muntik kaming mahilo sa sagot ni KC. Kasi ang itinanong sa kanya eh, kung totoo bang dumalaw na siya kay Piolo sa nasabing set.

Sabi rin ni KC, mas mabuti raw na tanungin uli namin si Zaijan about it. Kasi nga, hindi raw ito totoo. Sabi rin ni KC, baka naman nagha-hallucinate ang bagets. Kaya naidagdag din nito sa komento niya na baka kung anu-ano ang ipinapakain sa set sa bagets kaya kung anu-ano ang nasasabi.

Sa madaling sabi, sa sagot ni KC, lumalabas na sinungaling ang batang si Zaijan na aabangan ng mga manonood sa karakter niya bilang “Eli” sa Noah.

Sumagot lang naman ang bagets sa itinanong sa kanya at wala naman itong masamang intensiyon. Nagpakatotoo lang ito.

Kahit nga si Direk Malou, laugh pa nang laugh nang malaman na ‘yun ang isa sa mga isinagot ni Zaijan sa nasabing set visit.

The next day, iba na ang takbo ng istorya. At pinatototohanan na ni Direk Malou, na hindi dumalaw si KC sa Subic set, kahit hindi siya ang nasa nasabing unit nina Piolo at Direk Lino.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

10 thoughts on “Zaijian Jaranilla, lumabas na sinungaling sa pag-deny ni KC Concepcion! *new*

  1. Kc, huling huli na… kawawa ung bata na wlang malay kundi sumagot sa tanong sa knya….ginawa mo pang sinungaling, wag ganun!

  2. deny to death sila dahil “protective” area ang pinasok ni Zaijan. Okay ka Pilar, very clear at readers na ang bahalang humusga. Malinaw naman di ba?

  3. KC cnungaling??? OMG….. kawawang bata binabaligtad cya ngayon!!! tama na ang pa sweet mo KC, di mo bagay

  4. hm, sia pala ung blind item na hindi consistent ang pagiging prim and proper kc parang bigla daw nagwala nung tanungin kung dumalaw sa taping nila piolo pero ang dinig nia is LINO kaya nagtatatalak daw. after kinorek sia na hindi ung direktor kungdi si piolo ang sinasabi, balik daw sa dati ang tono…. hay. sabi ko na nga ba ikaw un eh. nabuko daw tuloy na hindi talaga maganda ang paghihiwalay nila ng director.

    http://www.abante-tonite.com/issue/june3010/entertainment_story1.htm

  5. i dont think kaya nang gumawa ng kasinungalingan ni zaijan…you know, kids dont lie! so kc wag mong bilugin ang ulo ng mga viewers

  6. artista eh, kaya deny ng deny! ganyan ang mga artista, pag nahuhuli, ide deny muna, pero pag nasuko na, biglang aamin! sus! e tingnan nyo na lang si john lloyd, deny to death pero umamin din bandang huli! c’mon, kc, kala ko, honest ka… umamin na kasi…. wala namang masama dun ah! unless, kinakahiya moi si mama P., este papa P. pala! lol!

  7. Weh..KC oh! Nakita ka kaya ng Sir ko sa Subic nagtataping nga ng Noah! Akala pa nga nya eh teleserye nyo ni Piolo yun! Sus! deny pa!

Leave a Reply

Your email address will not be published.