Zaijan, Charice and Judy Ann have something in common

WALANG PINAG-IBA SINA Zaijian “Santino” Jaramila at Charice Pempenco kay Judy Ann Santos na pare-parehong galing sa isang broken family.

Five years old pa lamang si Zaijian, este, Santino na lang, nang maghiwalay ang kanyang parents. Nasa poder siya ng kanyang ama na kung titingnan sa personal ay parang kuya lang niya. Pagkakamalang 17 years old lang si Zenon, pero bukod kay Santino, may 2 pa itong anak.

Once a week naman kung magkita si “Miracle Boy” at ang kanyang ina. Sa ngayon, dalawa lang ang maliliit nilang kuwarto. Katabi niya sa pagtulog ang kanyang Papa, pero, kung may lakad ito sa gabi, lola niya ang katabi niya. Nasa katabing kuwarto naman ang dalawa niyang kapatid. Sa gabi, hindi na ginigising pa ng Papa niya ang kanyang lola at sa sofa na lang ito natutulog. Ganu’n pala ang tinitirhan ng batang isang araw ay magiging milyonaryo na rin dahil sa May Bukas Pa at sangkatutak na proyektong naghihintay sa kanya.
Hindi pa rin nagsi-sink-in sa 7 years old kung gaano siya kasikat ngayon. Kahit pa pinagkakaguluhan na siya ng pinakasikat nating superstars ngayon, pati na rin ng mga movie press na hindi makatiis makipag-piktyuran sa kanya sa presscon na ibinigay sa kanyan ng ABS-CBN noong Miyerkules.

Halos tatlong taong gulang naman si Charice nang maghiwalay ang kanyang parents. Mas masakit ang paghihiwalay ng mga ito, dahil hanggang ngayon, ayaw kilalanin ng kanyang ama, pati lola, ang “1st International Filipino Superstar” na ang latest achievement ay makasama ang Chip Monks sa isang Hollywood movie. Ayaw na ring pag-usapang pa ni Charice ang anumang tungkol sa kanyang ama, not because of anything, but because ayaw rin daw nitong pag-usapan ang pagiging ama niya kay Charice. Ni hindi rin daw nito naa-apreciate ang achievements ng anak, kahit ang buong sambayanan at pati buong mundo ay kilalang-kilala na siya.

Tribute ding maituturing kay Charice ang pag-record ng 2nd album niya sa ating bansa, kundi sa buong mundo din. As a matter of fact, may nakahanda na siyang ipasasalubong na album kina Oprah, Ellen de Generez at pati kay U.S Pres. Barack Obama pagbalik niya sa U.S sa May 16. Ito nga ang My Inspiration album niya kung saan kukurot sa puso ng sino mang makikinig ng mga awitin dito, kasama ang duet nila ng kanyang Mommy Raquel, You & Me Against the World. Ang kanyang first album ay umabot na pala ng Platinum in so short a time.

Pare-pareho ring bilugan ang mga mukha nina Santino, Charice ay Judy Ann. Palatandaang may pag-asang maging mga supertars ang bilugan ang mga mukha. Sige, isali na rin natin si Sarah Geronimo na pagmasdan n’yo at bilog din ang mukha.

Dalaga na si Charice. 17 years old na pala siya at marami-rami na rin ang nagkaka-crush, lalo na sa mga foreign singers na nakikilala niya sa iba’t ibang performance sa abroad.

Siyanga pala, may album din siyang ibinigay kay Josh Groban sa kanilang muling pagkikita. Gusto raw niya kasing marinig nito ang version ng pinasikat nitong You Raised Me Up. When that times come comes, matutuklasan na rin ni Mr. Groban na crush din pala siya ng malinggit na Filipina international singer.
Pansinin din ang hugis ni Megastar Sharon Cuneta. Bilugan din. Kaya nga mahigit 30 years na siyang nagre-reign as the one and only megastar at top-rater pa rin ang Sharon.

Incidentally Mother’S Day ang theme ng show niya this coming Sunday. For the first time, napapayag nilang isama ni Ms. Nova Villa ang kanyang mister na si Freddie. Ipagtatapat naman ng mommy ni Enchong Dee kung paano mag-alaga ng isang anak na nanalo na ng mahigit 200 medal sa swimming competitions here and abroad. Napakasimple naman ng mother dearest ni Aaron Villaflor. Survivor na maituturing ang anak niya dahil hanggang ngayon ay narito pa rin sa showbiz ang anak, while his peers are now retired. Chris Gutierrez will bring her mom, Maritess (the only child of Gloria Romero and the late Juancho Gutierrez). Siyempre, guest din si Sen. Kiko Panilinan bringing along the Mega’s 3 girls Frankie, Miel and KC of course.

BULL Chit!
by Chit Ramos

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.