Yummy young actor, nilasing ng thundercat na sexy actress para matikman!

OLA CHIKKA!! Ito na naman po ang inyong Tita Swarding upang hatiran kayo ng mga chismax to the maximum level of authority of chismis gaya ng pagbabalitaktakan namin ng aking co-host na si Michelle Junia sa DWBL, at in fernezz, magaling talaga siya! Hindi naman sa pagbubuhat ng sarili naming bangko, ah! Pero buhay na buhay ang umaga ng aming mga listeners kaya naman hindi ko maiwasang maalala ang love na love na dati kong co-host na si Jenny Flower Simon, I miss you Jenny! Parehas silang may say ang mga voices, mga sosyal! At ang mga comments? May laman!

At isa pang ikinatuwa ko rito kay Michelle ay magaling at kakaiba ang kanyang boses, ay naku day, ah! Maging trainer mo ba naman ang si Mr. Seth Riggs na trainer din ng mga kilalang artist sa Hollywood at isa lang naman du’n si Michael Jackson. Oh no! Oh yes! Tingnan ko lang kung hindi ka talaga humusay at para sa inyong kaalaman ay siya lang naman ang nag-revive ng “Ocean Deep” na talaga namang hit na hit at ngayon ay out na ang kanyang album na “Back in Time” na mabibili sa mga leading music stores.

And speaking of music, ngayon ay open na ang kanyang music school sa 2-A 2/F Paragon Plaza, Mandaluyong City kaya pumunta na kayo para makita ang kanyang studio na napakaganda at dalhin ang inyong mga young kids para sa libreng trial class sa Saturday. Ang taray, ‘di ba? Libre!

TALAGA NAMANG FULL support ako rito kay Michelle dahil may potential at may say sa kanyang career tulad ni Mike Defensor na may say rin sa kanyang linya. Bhuket?!! Hayaan n’yo akong mag-comment doon sa proyekto niyang “zero street children” na nabasa ko rin dito sa Pinoy Parazzi kahapon.

Ang layunin ni Defensor ay malayo sa kapahamakan at bigyan ng pagkakataong umunlad ang mga buhay ng mga batang lansangan na talaga namang ikinatuwa ko ngunit hindi lamang basta pagtulong ang dapat niyang gawin kung hindi ay imbestigasyon dahil for sure ay may mga bigating tao at halang na mga kaluluwang sindikato ang gumagamit sa mga batang ito para kumita ng pera. YUCK!! Excuse me pow!!!

Hundred percent ang suporta ko rito kay Mike Defensor at kahit wala akong access sa kanya, andito lang ako para suportahan siya, PERO! Pero, ha?! Sa oras na hindi matupad ang kanyang proyekto ay ako mismo ang makakalaban niya. Say n’yo?!

PITIK BULAG! SINO siya?! Mahulaan n’yo kaya itong baon kong chika na fresh mula sa bayan ng mga sakang, haha! Sino itong SEXY ACTRESS  na masyunda na at feeling bagets pa rin pero walang humpay sa pagka-burikoh (came from booty call) at ibang level ang pagka “L” na makati pa sa higad na kahit itong sikat na sikat na YUMMY YOUNG ACTOR na talaga naman hmmmm.. ay pinatos na din?!

Nang magkasama itong sexy actress at young actor na mag-show sa isang bar sa ibang bansa ay bantay-salakay itong hitad na kung saan hard ang ininom nila at halos palanguyin sa alak ang young actor. Bhuket?!

Dahil matapos lasingin ni sexy actress ay, PAK! Nayari na ang young actor! Eeeeewww!!! Sino sila? Gusto n’yo ng clue?! Siya na lang dapat ang unang na-evict dahil wala siyang “K”! At ang yummy actor? Si sexy actress na ba ang kambal sa uma?! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

5 thoughts on “Yummy young actor, nilasing ng thundercat na sexy actress para matikman!

Leave a Reply

Your email address will not be published.