Ysabel Ortega, panggulo sa JaDine

Ysabel-OrtegaNAKAUSAP NAMIN si Ysabel Ortega the other day. Sa mga hindi pa nakakikilala sa kanya, siya ‘yung gumaganap sa On The Wings Of Love ng ABS-CBN.

Bagong character na makata-triangle nga ba siya sa loveteam na JaDine?

Yes, true na hanga kami sa gandang taglay ni Ysabel. Siya po ay anak ng dating member ng That’s Entertainment na si Michelle Ortega at ang kanyang ama naman ay si Senator Lito Lapid. She’s 16 years old at fourth year high school na.

Kapag itinatanong sa kanya kung sino ang nag-udyok na mag-artista ay mabilis niyang sagot,” Ako lang po,” sey niya.

“Alam naman niya (Lito Lapid) na mag-aartsita na ako at nagpaalam naman ako,” sey pa Ysabel.

Sa ngayon ay halos isang taon na silang hindi nagkikita ng kanyang ama. Paano kung isang araw ay tumawag ito sa kanya?

“Sasagutin ko po dahil sa nami-miss ko na po siya,” sagot niya na maluha-luha.

Si Ysabel ay nasa poder ni Papa Ogie Diaz, kasama sina Anjo Damiles at Dyosa Pockoh.

Welcome to showbiz, Ysabel.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.