Your Face Sounds Familiar, napaaga ang pagbabalik-TV

Your-Face-Sound-FamiliarOn September 12, eere na ulit ang Your Face Sounds Familiar para sa kanilang season 2. Napaaga ang pagbabalik nito sa telebisyon dahil na rin sa matinding clamor ng televiewers.

Originally, sa 2016 pa dapat ang next season ng Your Face Sounds Familiar according to Lui Andrada, business unit head ng programa. Mabuti na lang dahil after mag-end ng season 1 ay nagpa-audition na kaagad sila ng mga celebrity na gustong sumali sa contest.

This season’s 8 celebrity finalists are Sam Concepcion, Denise Laurel, KZ Tandingan, Myrtle Sarrosa, Kakai Bautista, Michael Pangilinan, Eric Nicolas, at Kean Cipriano.

Mananatili pa ring judges ng YFSF sina Jed Madela, Gary Valenciano, at Megastar Sharon Cuneta.

Madadagdag naman bilang co-host ni Billy Crawford si Melai Cantiveros na grand winner ng YFSF first season.

Samantala, ayon kay Jed nang makausap namin recently, excited na siya sa bagong season ng Your Face Sounds Familiar at sa line-up ng mga celebrity na magpa-participate.

Naging Saturday and Sunday night habit ng televiewers angYFSF season 1 dahil kinakarir talaga ng celebrities ang panggagaya nila sa hitsura at boses ng music icon na ma-assign sa kanila.

Sino naman kaya ang lulutang ngayong season? Well, let’s all find out kapag nagsimula nang umere ang programa.

La Boka
by Leo Bukas

Previous article‘Not With The Exes’
Next articleMga show sa TV5, isa-isang tinitigbak

No posts to display