Youngest Pinoy male performer na pumuno sa Araneta
Daniel Padilla, record-breaking ang concert!

DANIEL PADILLA recently had a jampacked concert at the Araneta Coliseum. Libu-libong fans na nanggaling pa sa iba’t ibang dako ng bansa ang dumagsa para manood sa birthday concert ng tinagurian ngayong Crush ng Bayan. Halos hindi magkamayaw sa pagtili ang mga fans na maaga pa lang ay pumila na sa nasabing venue.

Bago ang concert ay pinuntahan ng The Buzz si Daniel sa kanyang dressing room. Although it was obvious that he was nervous ay nangibabaw pa rin sa kanya ang excitement at saya because one of his dreams was about to come true.

The rock concert started at exactly 8pm. Daniel was greeted onstage by an audience estimated to be more than 16,000. Dahil sa dami ng mga nanood ay gumawa ng panibagong record si Daniel bilang pinakabatang Pinoy male performer na nakapuno ng Araneta Coliseum.

Ilan sa mga highlights ng concert was when Daniel performed with his band Parking 5 at ginamit pa niya ang gitarang regalo sa kanya ni Kathryn Bernardo. There was also a production number kung saan kasama niya ang kanyang mga kapatid na sina Ryan, RJ at JC.

Pero ang pinakainabangan ng lahat ay ang special number nila ni Kathryn. Dumagundong sa hiyawan ang Big Dome na lalo pang pinatindi when Vice Ganda entered the stage dahil sa kanyang walang tigil na panunukso sa dalawa. Kathryn became emotional when she delivered her birthday message to Daniel.

Kuwento ni Daniel sa The Buzz, “Pinigilan ko lang [ang] sarili ko habang kumakanta. Lahat ng kanta ko [ay] muntik [na] akong umiyak pero ‘di p’wede akong umiyak.”

Siyempre pa ay super proud ang mga kapamilya at malalapit na kaibigan para sa teen heartthrob. “Sobrang saya. Napakasaya dahil dream ni Daniel iyan. Napakasarap sa isang magulang na makita mo na iyong dream [ng anak mo] ngayon nangyayari. So much thanks sa Itaas,” sabi ni Rommel, ama ni Daniel. Nandoon din ang ina ni Daniel na si Karla Estrada na pumuwesto pa sa Upper Box para mapanood ang buong concert.

Lubos ang pasasalamat ni Daniel sa lahat ng mga sumuporta sa kanya. “Maraming, maraming salamat. Naging successful ang show dahil ho sa inyo.”

Congratulations, Daniel!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “Youngest Pinoy male performer na pumuno sa Araneta
Daniel Padilla, record-breaking ang concert!

  1. Magaling Palakpakan Kelan kaya maglaladlad ng Kapa si Daniela Padilla,, Tulad ng ginawa ng kanyang tiyahin na si Rustom padilla.

Leave a Reply

Your email address will not be published.