Young Star, nakipaglaplapan kaya hiniwalayan ng dyowang actor?

BLIND ITEM: NOW we know kumbakit inisplitan ni “Kuya” si “Showgirl.” Nakikinig lang kami sa kuwento ng aming kausap. Ipinagtapat daw sa kanya ni “Kuya” na kaya siya nakipag-split ay dahil hindi niya “ma-take” ang pinaggagagawa ni “Showgirl.”

Ano ba ang pinaggagagawa ni “Showgirl” na ‘di ma-take ni “Kuya”?

Una, hindi type ni Kuya ang pagka-Gimikera ni Showgirl. Kung kani-kanino na lamang nababalitaan ni Kuya na, “Uy, ‘yung girlfriend mo, lasing na lasing na naman sa bar kagabi,” na siya pa ‘yung the last person to know.

Tapos, me mababalitaan pa si Kuya ng, “Hoy, ‘yung GF mo, sa sobrang lasing, nakipaglaplapan du’n sa kaibigan niya!”

Kaya ito na nga ‘yung pinag-aawayan nila. Na parang ayaw pa ring tumigil ni Showgirl sa kagigimik sa gabi, kaya walang choice, kundi makipag-split si Kuya sa kanya.

Kung kilala naman namin ‘yung girl, hindi naman talaga ‘to easy girl, eh. Talagang happy lang siya drinking with friends.  Kaso nga lang, ‘yung laplapan with a friend, hindi na namin alam ‘yon.

Pero alam n’yo ba? ‘Eto ang clue, ha? Hanggang ngayon, love na love pa rin ni Showgirl si Kuya?

‘Wag na kayong manghingi pa ng clue. Mahuhulaan n’yo ‘yan kung updated kayo sa mga showbiz balita.

ANG GUWAPO NI Erik Santos nu’ng huli naming makita ang singer sa ASAP XV nu’ng Sunday. ‘Wag ikagagalit ni Erik, mas guwapo siya ngayon kumpara nu’ng grand finals ng Star In A Million.

At least, tama ‘yon. ‘Yung iba nga, guwapo nu’ng una, pagkatagal-tagal, tsumatsaka. Ibig sabihin, hindi marunong mag-alaga ng sarili. O, kaya, nalulong sa bisyo.

Si Erik, kalokah, walang tiyan. Hindi namin alam kung saan inilalagay ang kinakain. Saka ‘yung kanyang kutis, makinis, huh!

‘Yan ang dapat. ‘Pag artista ka, dapat, ang look mo, artistahin talaga para ‘pag nakita ka in person ng mga fans mo, “Ay, mas guwapo ka pala sa personal!”

Bigla tuloy naming naalala ang sarili namin. Lalo na ngayong nag-iikut-ikot kami sa buong District 3 ng Quezon City dahil nga tumatakbo kaming Konsehal, kadalasang naririnig namin, “Ba’t sa TV, pangit ka? Sa personal, hindi naman.”

At least, hindi namin sila dinisapoynt, huh! Hahahaha! Joke!

SI BILLY CRAWFORD, ang nakatutuwa naman sa batang ito, napaka-down-to-earth. Alam niyang hindi kagandahan ang katawan niya, ipangangalandakan pa niyang, “I’m really fat. Marunong lang akong mandaya!”

Kaya kung napapanood n’yo siya sa ASAP, aakalain n’yong ang ganda-ganda ng katawan niya. Ang checkered polo pala ay nakakapayat tingnan, ‘no?

Pero nakita na namin ang katawan ni Billy. Hindi na lang namin ide-describe dito, dahil napakatsismosa naman ng dating namin.

Mas importante sa amin ‘yung positive attitude ni Billy sa kung ano’ng meron siya, eh, du’n na lang siya nagkakasya. At hindi siya ‘yung tipong hahabulin ang katawan ni Papa Piolo Pascual.

Napanood namin ‘yung isang episode ng Wowowee kung saan naka-orange nu’ng lumabas si Willie, pero pagbalik niya uli sa ere ay naka-white na siya. Pinagpalit pala siya ng damit, dahil bawal ang “political color” sa Wowowee.

At kahapon naman sa Showtime, sa ere ay nagpapasalamat sina Vice Ganda, Vhong Navarro at Anne Curtis sa “orange”  na prutas na bigay ni Direk Bobbet Vidanes.

Ano kaya ang ibig sabihin no’n?

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!’ sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn. Siyempre, kasama diyan ang “alamat” na si Ms. F, ang may megaphone sa lalamunang si Rommel Placente at ang “papable” na si Eric Borromeo.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

20 thoughts on “Young Star, nakipaglaplapan kaya hiniwalayan ng dyowang actor?

  1. obvious naman,,anne curtis(showgirl dahil s showtime)
    sam milby (kuya dahil s pinoy big brother)

    and even b4 sila p n richard G.talagang malakas n lumaklak c anne with pa yosi yosi pa…and un nga MAHILIG LUMAPLAP pag shenglot n

  2. its shaina and john,its obvious na,sa mga interviews ni shaina she always said”ina amin ko naman na may mali ako” and i heard she always go out at night na di alam ni john..nakikita naman sa mga pics nya na lagi sya sa bars.

  3. showgirl-shaina yung lasenggang girl na mahilig mag barhopping. nakipaglaplapan sa kaibigan pag hilo-hilo na. si kuya-John Pratts…ang lalaki na niloko ni Shaina. Two timer kasi si Shaina. Sila pa ni pratts…nilalandi na si “friend”
    Friend-John Lloyd!! lasenngo at lassengga nagsama.
    Pinakakawa dito ay si pRatts. sus napakabait na tao! niloko lang ni malanding shaina!

    • kawawa ka naman basaguera, masyadong affected. pano na kaya kung sa yo to nangyari. and your name describes yourself “basagulera”.

  4. Passe na ang Anne and Sam issue.

    It’s John and Shaina!

    Kuya: ‘Di ba nakatatandang kapatid ni Camille si John?

    Showgirl: Title ng huling major concert ni Vina na kapatid ni Shaina.

    • korek ka dyan! saka KUYA si John Pratts kasi galing sa Bahay ni Kuya/PBB tapos si Shaina kapatid ni Vina Morales na Showgirl!

  5. john and shaina yan malandi pa si shaina sa malandi nakapamalanding babae tanga niya pinagpalit si john prats kay john lloyd cruz lolokohin ka lang nun hindi mo pinahalagahan ang pagmamahal sayo ni john prats manloloko kang babae ka hindi ka na nahiya ikaw pa ang nagloko

Leave a Reply

Your email address will not be published.