Ruffa Gutierrez, binuking si Willie Revillame!

KUNG HINDI RAW pala napigilan ni Willie Revillame si Ruffa Gutierrez nang minsan itong maging kalahok sa Willie of Fortune ng Wowowee ay malamang daw na nambuking pa ito ng ibang detalye on Willie’s lovelife.

Si Kris Aquino ang itinurong source ng beauty-queen host on Willie’s sending gifts and flowers to Lorna Tolentino, na agad namang dinismis ng Wowowee host.

Hindi raw ‘yun totoo kaya sinubukan din nitong ibuking ang aktres sa naging isyu nito kay John Lloyd Cruz na sinagot naman ni Ruffa na ‘luma’ na.

In fairness, nakaaaliw ang pagiging natural na komedyante ni Ruffa. Mahirap nga lang talagang paniwalaan na sa ganda niya ngayon ay walang nanliligaw sa kanya, kung paanong sinasabi din niyang sa estado ngayon ni Willie ay wala rin itong ibang lovelife?

[ad#post-ad-box]

KUNG TOTOO MANG nagbago na si Maja Salvador sa pakikitungo sa media, we simply hope na para sa ikabubuti ito ng kanyang karir.

Napaka-challenging ng role niya as Selina (dating ginampaman ni Hilda Koronel sa movie version) sa upcoming TV soap na Nagsimula sa Puso. Daring, sexy at kakaibang Maja, kumbaga. Just wondering kung ‘yung pa-tweetums niyang pagsagot-sagot during the RC Cola presscon nila ni Kim Bum ay may kinalaman sa image building niya.

Tahasan niyang sinabi du’n na loveless siya at wala na sa buhay niya si Carlo Aquino. She has but praises to Kim na ikinumpara siya kay Catherine Zeta-Jones in terms of beauty and appeal.

Inamin din nitong masarap itong katrabaho and that she looks forward na maimbitahan siya nito sa Korea para makatrabaho din ito.

Diether Ocampo, pagsasamahin ang talents ng Dos at Siyete? – Gorgy’s Park

GRABE NAMAN ANG kamalditahan nitong young star nang sadya nitong hindi pansinin ang isang pamilya na kumakatok sa kanilang convenient store noong kasagsagan ng bagyong Ondoy.

Stranded at na-stuck sa baha ang nasabing pamilya kaya’t nag-decide silang magpahupa sana sa isang gasoline station na mayroong convenient store. Ang siste sarado na nga ito. Pero dahil sa mahabang oras nilang pagkakababad sa trapik, sinubukan nilang makiusap na pagbilhan sila ng tubig o biskwit man lang.

“Nakilala namin ‘yung young star na nasa cashier pa at nagbabasa. Nalungkot lang kami dahil kung namo-monitor niya marahil ang naging epekto ng pagbaha, baka nagkaroon siya ng puso na pagbilhan kami. Pero dedma nga siya,” ang kuwento ng aming kausap na isa ring TV celebrity ng sikat ng network.

Obviously, nasa magkaibang networks sina young star at TV celebrity dahil kung magkakilala sila, baka hindi ganu’n ang nangyari. But still, pinatutunayan ng kuwentong ito na may mga gaya nga ni young star na kayang mangdedma at maging maldita kahit pa may trahedya na sa paligid niya.

Blind item: Young star, dinedma ang TV celeb sa kanilang store!

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

Related Post

loading...

11 thoughts on “Ruffa Gutierrez, binuking si Willie Revillame!

  1. etong si Maja, pag tumamlay na ang career mas marerealiza nya yung pagmamaliit na ginawa nya kay carlo aquino. hindi man on top of his game yung lalaki, mabibigyan din ng tamang break yan

  2. akala namin nagbago na ang hambog na si papi aso? hiniya nya ang guest na taga GMA 7, sumigaw pa ng “Hoy sino ba ang nag guest sa kanya dito, taga kabila pala ito, ni hindi na nga ito nainterbyu ng todo, in fairness nanalo ang magandang girl na taga gma 7. HOY MAGBAGO KA NA KASE! Wag yung sinasabi, gawin mo!

  3. Kahit na ordinaryong tao man o hindi, dapat nagpakita man lang ng kabaitan si Nadine. Eh bumibili naman si Jason hindi namamalimos. Papano pa pala kung mga street children or taong grasa yung nasa gasolinahan niya?!?! Baka pinalayas niya na.

    MALDITA TALAGA SI NADINE! Akalo mo kung sinong maganda. Maraming press na ayaw sa kanya, yung reporter sa DZRH na nag-aartista din minsan sa GMA, nakita siya na ayaw magpahawak sa fans sa isang mall show nandidiri siya sa mga fans niya.

  4. oo nga naman, kung hindi kina nadine ung store ei wala nga xa karapatang makialam sa tindahan pero sana tinawag na lng nia ung may-ar.

  5. nagpaliwanag naang mother ni nadine about d issue
    cguro turn nmn ngayon ni jayson na sabihin ang side nya
    unfair kay nadine na wala sya d2 kung ano2 ang balita lumalabas….hndi nya maipagta2nggol ang sarili nya
    lets give den o nadine a chance wen she comes back frm. europe ata un…lol
    hihihi

  6. ayon sa ibang news nastranded lang si nadine at mom niya dahil sa baha di sa kanila ang store. di kasi kilala ni nadine kung sino man yang si jason na lumapit sa kanya baka magnanakaw ang itsura kaya natakot si nadine kausapin ang lalake..

Leave a Reply

Your email address will not be published.