Young star, dinedma ang TV celeb sa kanilang store!

GRABE NAMAN ANG kamalditahan nitong young star nang sadya nitong hindi pansinin ang isang pamilya na kumakatok sa kanilang convenient store noong kasagsagan ng bagyong Ondoy.

Stranded at na-stuck sa baha ang nasabing pamilya kaya’t nag-decide silang magpahupa sana sa isang gasoline station na mayroong convenient store. Ang siste sarado na nga ito. Pero dahil sa mahabang oras nilang pagkakababad sa trapik, sinubukan nilang makiusap na pagbilhan sila ng tubig o biskwit man lang.

“Nakilala namin ‘yung young star na nasa cashier pa at nagbabasa. Nalungkot lang kami dahil kung namo-monitor niya marahil ang naging epekto ng pagbaha, baka nagkaroon siya ng puso na pagbilhan kami. Pero dedma nga siya,” ang kuwento ng aming kausap na isa ring TV celebrity ng sikat ng network.

Obviously, nasa magkaibang networks sina young star at TV celebrity dahil kung magkakilala sila, baka hindi ganu’n ang nangyari. But still, pinatutunayan ng kuwentong ito na may mga gaya nga ni young star na kayang mangdedma at maging maldita kahit pa may trahedya na sa paligid niya.

by Ambet Nabus

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

13 thoughts on “Young star, dinedma ang TV celeb sa kanilang store!

  1. mukhang di na naman nabigyan ng pakimkim ng gma-7 si ambet nabus kaya naninira na naman. mga bayarang reporter talaga. pag may bayad maganda sinasabi pero pag di nabibigyan todo manira kahit di totoo. im sure aral ito sa school ni cristy fermin na pera pera ang labanan. hahahahahahahaha…..mga social climber na reporter kasi nagfefeeling mayaman pero sa totoo lang nakatunganga sa mga artista para magkapera. panay hingi…ginagawang panakot ang article nila na puro kasinungalingan.

  2. nauna ko itong narinig sa Ruffa & Ai nung isang araw, kung saan guest si Jason at sa bibig mismo ni Jason nanggaling.

  3. heto ang totoong version ng nangyari.

    Umalis nu’ng Sabado si Nadine para magbakasyon sa Europe at dalawin ang ama niya sa Germany kaya ang Mommy Eijie nito ang nakausap namin para klaruhin ang isyung iyun.
    Wala raw katotoha­nan iyun dahil magkasama raw sila ng anak niya nu’ng mga oras na iyun na kung saan na-stranded sila sa isang gas station sa Marikina.
    Dapat ay may event si Nadine sa Marikina kaya tumuloy sila roon kahit bumabagyo. Hindi nila narating ang venue na pagdadausan ng event dahil mataas na ang tubig.
    Hindi na rin sila makabalik dahil kahit saan sila magpunta ay mataas na ang tubig-baha.
    Mabuti’t nakarating daw sila sa isang gas station kaya pina-lift muna nila ang kanilang kotse dahil inaabot na ito ng baha.
    Nasa silya lang daw siya at si Nadine daw ay nakatulog na sa counter ng convenient store doon. Hanggang sa pinapasok na raw sila sa kotse at doon na nila ipinagpa­tuloy ang pagtulog.
    Inabot daw sila ng 4:00 AM at doon pa lang sila nakaalis dahil sa bu­maba na ang tubig.
    Kinalampag daw sila ng mga tao dahil may nasusunog na malapit sa kinalalagyan nila.
    Iniwan daw muna nila ang kanilang kotse at nag-tricycle lang daw sila hanggang Cubao. Doon na raw sila sumakay ng taxi para makarating sila sa kanilang bahay.
    “Sa tagal namin sa gas station, wala akong naalalang may lumapit kay Nadine para hu­mingi ng tubig,” pahayag ni Mommy Eijie.
    “Meron lang pumasok doon na mama na naka-motor, gustong bumili ng kahit sky flakes pero wala nang maibenta sa kanya kaya binigyan na lang ni Nadine ng siopao at tubig iyung mama.”
    Hindi kilala ng Mommy ni Nadine si Jayson kaya hindi raw niya alam kung dumaan ba ito sa gas station na iyun na tinigilan nila nang ilang oras.
    Sana raw, huwag magkalat ng ganu’ng intriga dahil unfair ito para sa kanyang anak.
    Sinisikap pa rin na­ming makunan ng paha­yag si Jayson para kumpirmahin kung naranasan nga niya ito.

    Yang ang totoong nangyari AMBET NABUS!!!!!!! mag-research ka muna bago ka magsulat.

    • DEDEPENSAHAN MO PA C NADINE E HULING-HULI SA MGA CNASABI MO ANG KASINUNGALINGAN MO.
      PAANO ILI-LIFT ANG SASAKYAN SA GASOLINAHAN? E BROWNOUT NA NGA? DI KAYANG PAANDARIN NG GENERATOR ANG LIFTER! KUPAL KA!!!

  4. This is not TRUE.The truth is binigyan pa nga ni Nadine ng siopao at tubig yong lalaking bumibili ng skyflakes. Obvious na walang alam sa nangyari ang nagsulat nito.Nagsalita na mama ni Nadine.Sya na nga ang tumulong sya pa ang napabalitang masama. Saka walang gasoline station or store sina Nadine.Nandon lang sya kasi nga na-trap na sila ng baha.

  5. di totoo yan!! bwisit talaga kayong walang ibang gawin kundi siraan si nadine. nanahimik yung tao! talaga naman.. at sana alamin muna ang talagang nangyari bago mag react na maldita siya.

  6. Grabe naman kung si Nadine Samonte iyan. Talaga palang maldita iyan. Sabagay, itsura pa lang ay maldita na talaga.

    Hayaan ninyo, LAOS NA NAMAN IYAN EH.
    San na ba siya ngayon?

    • kapl ng muka mo…
      bqt gano mo sya kakilala para mgsalita k ng ganun…

      pede b mgbasa muna ng other articles …
      at kau nmng ng tsitsismis jan…almin nio muna katotohnn hindi puro trabho nio lng iniisip nio…panu nmn ung carreer nung ibng affected ng issue niong walng katotohnn…

Leave a Reply

Your email address will not be published.