Young hunk actor, binigyan ng P200K ng gay TV executive matapos ang isang ‘date’!

SINO ITONG young hunk actor na ‘nakipag-date daw sa isang gay TV executive kamakailan upon the latter’s request sa isang sikat na establishment sa The Fort, Bonifacio Global City malapit sa malaking mall dito?

Ayon sa aking very reliable source, nagpa-set daw ng isang ‘date’ ang gay TV executive through an emissary. Kaibigan daw ng guwapong aktor ang tumayong tulay sa dalawa na kasama nito sa isang teleseye kaya hindi niya ito mahindian. Sa sobrang impluwensiya raw ng gay TV executive na ito, isang big ‘YES’ ang sagot ni hunk actor.

Dahil dito, nagpasabi raw si Hunk Actor sa kanyang executive producer ng teleserye na hindi siya makapagte-taping the following day dahil may importante itong lakad. Gano’n kalakas si Gay TV Executive.

Sa ginanap na pagkikita ng dalawa, Halos isang oras daw ang pag-uusap sa naganap nilang ‘date’. Masasarap daw na pagkain at very cozy ang lugar na pinili ng gay TV executive. Marami raw mga tanong si Gay TV Executive tungkol sa showbiz career ni Hunk Actor at kung masaya pa siya sa kanyang mother network at kung maganda raw ba ang career path na nakalatag for him this 2012.

Sa pag-uusap ng dalawa ay tila balak kunin ni Gay TV Executive si Hunk Actor sa network na kinabibilangan nito. Dagdag pa ng aking source na sinabi raw ni Hunk Actor na malalaman ang kanyang sagot kay Gay TV Executive this first quarter ng 2012 and ‘he will keep his options open’ kung sakaling lilipat ito sa kabilang network.

Ang nakakaloka, sabi ng aking source, bago raw natapos ang pag-uusap ng dalawa ay humingi ng dispensa si Gay TV Executive kay Hunk Actor dahil sa hindi pagsipot nito sa kanyang taping sabay abot ng isang makapal na envelop. ‘Pasensya na sa abala’ sambit ni Gay TV Executive. Nagulat si Hunk actor sa ginawang impressive gesture ni Gay TV Executive. Nang buksan daw ni Hunk Actor ang envelop at bilangin ang datung ay P200,000 ang laman nito! Napangiti nang bonggang-bongga si Hunk Actor dahil napaaga ang Pamasko para sa kanya at mukhang masusundan pang muli ang kanilang pagkikita ni Gay TV Executive.

Clue? Makikita si Young Hunk Actor sa malalaking billboards sa EDSA na kapansin-pansin dahil nakahubad siya. Si Gay TV Executive naman ay halos kilala na ng lahat dahil sa sobrang bongga ang career nito. ‘Yun na!

(By Sherween Eslava)

loading...

21 thoughts on “Young hunk actor, binigyan ng P200K ng gay TV executive matapos ang isang ‘date’!

  1. ayon sa source binigyan daw ni manny pangilinan ng 2 million si aljur in exchange of a one night stand and bonggang career sa tv5

  2. mga pinaghalong bobot tanga kayo si aljur at mvp yang nasa blind item , kailan ba naging sikat si deo endrinal eh mga di hard showbiz fan lang may kilala si MVP kanya na TV5 meralco PLDT Smart ngayon binibili pa nya GMA kaya 200k eh barya lang sa kanya mga engot

  3. natatawa ako sa comment ni chakaminute ,halatang iisa lang sila ni ohmeegawd … teh ung picture ,hahahaha :) kaloka aa

Leave a Reply

Your email address will not be published.