YOUNG ACTRESS, UUBUSIN ANG PERA MAGANTIHAN LANG ANG AMA

BLIND ITEM: Masamang-masama ang loob ng isang sikat na young actress sa kanyang ama dahil sa hindi magandang pagtrato nito sa kanyang ina. Nagulat na lang ito sa hindi magandang inasal ng dating asawa ng kanyang ina nu’ng minsang magbakasyon ito sa bansa. Pinagbabawalan din ang young actress ng kanyang ama na isama ang ina sa pagdalaw sa kanyang mga lolo at lola na magulang ng kanyang ama sa ibang bansa, dahil baka hu-mingi raw ito ng sustento at mamanahin. Hindi nagustuhan ng ina ang paratang. Hangarin lang nitong makasama ng anak ang mga lolo at lola nito na matagal nang nawalay. Sa ngayon, pinag-aaralan nilang mag-ina ang hakbang na gagawin at handang ubusin ng young actress ang perang kinita sa pag-aartista.

JINKEE PACQUIAO, NAGSISINUNGALING?

Nang dumating noong Biyernes ng hapon ang pamilya ng Pambansang Kamao na si Cong. Manny Pacquiao matapos ang kani-lang bakasyon sa Tokyo, Japan at sa Australia, naitanong sa asawa nitong si Jinkee ang balitang pagbili ni Pacman ng isang 32-seater jet plane. Agad naman niya itong itinanggi, at sinabing pagmamay-ari raw iyon ni Ilocos Sur Gov. Chavit Singson. Pero ayon naman kay Gov. Singson, hindi sa kanya ang nasabing jet, kundi sa isang malapit niyang kaibigan, at ipinaga-gamit lang sa kanila. Nang pinilit naming alamin ang pangalan ng misteryosong kaibigan, tawa at ngiti lang ang isinagot ng gobernador. Nakakaloka! Sino kaya kina Jinkee at Gov. Singson ang nagsisinu-ngaling?

LIEZEL SYCANGCO, HAPPY SA PAGBUBUNTIS DAW NI MARIEL!

Nakausap namin ang ex-wife ni Robin Padilla na si Liezel Sycangco, at hi-ningan namin ito ng reaction hinggil sa pagbubuntis umano ng bagong asawa ni Binoe na si Mariel Rodriguez. “Good thing! Happy ako at magkakaroon na sila ng sarili nilang anak. Masaya ako para sa kanila!” Iyon ang isinagot sa amin ni Liezel na nasa Australia.

Parazzismiz
By Maica Tidila

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.