Young actress, sugapa sa marijuana!

HANGGANG NGAYON, PINAGTATAGPI-TAGPI pa rin namin ang mga senaryo kung saan humuhugot ng lakas ng loob ang isang batang aktres para dalhin niya sa linya ng kanyang trabaho ang isang bisyong siguradong maglalagay ng tuldok sa mabunga pa naman sana niyang career.

Kalat na kalat na sa buong bakuran ng network na pinagtatrabahuhan niya ang pagbabaon ng batang aktres na ito ng marijuana habang nagte-taping siya.

At hindi niya ‘yun itinatago, parang ipinagmamagaling pa niya. Nagsisindi siya ng damo sa mismong harapan ng kanyang mga katrabaho. Pero du’n siya nagkamali, seryoso sa trabaho ang mga kasamahan niya, “Puwede ba akong magsindi rito?”

Umuo naman ang tinanong na young actress sa pag-aakala na sigarilyo lang ang kanyang sisindihan. Pero maya-maya, umamoy na sa kuwarto ang damo, natensiyon ang young actress na gumagamit ng dressing room, “Get out of my room!” lang ang naging reaksiyon nito.

Kung sa kanyang taping, umaalagwa pa rin ang kanyang bisyo ng pagdadamo, paano pa sa kanyang tinitirhan? ‘Di parang nagyoyosi lang ang batang aktres na ito sa pagbibisyo?

Nakapanghihinayang siya. Bukod sa maganda na ang young actress na ito, nakaaarte pa nang tama. Ang gaganda pa naman ng break na ibinibigay sa kanya ng network na kinabibilangan niya.

Ewan lang kung ganu’ng pagkakataon pa rin ang ibigay sa kanya ng istasyon ngayong laganap na ang kuwento ng pagbibisyo niya sa linya ng kanyang trabaho.

‘Yun siguro ang dahilan kung bakit sinasabi ng mga nakakakita sa kanya na sumpungin-topakin ang batang aktres. Baka naba-bad trip siya.

by Cristy Fermin

Related Post

loading...

11 thoughts on “Young actress, sugapa sa marijuana!

  1. ha..ha..ha..sunod sunod na ang banat ni cristy demonya kay cristine, nagbabanta kasi ng paglipat yung isa, kaya yan, umanadar na ang kademonyohan nitong si buta butas nag mukha face..sabagay yan naman talag ang binabayaran sa kanya, ang bumira ng mga anti dos..

  2. oy grabe hindi naman siguro si maja at erich no…di naman mukhang mga adik yan eh..bka sa kapuso ito kay di na ako ng spend ng time..walang ka clue clue eh

  3. hahaha tama ka nga akane… baka nga yon pa ikamatay ni cristine for sure not her but it doesn´t mean na kapamilya lang baka kapuso nasa kapuso din sa dami ba namang young actress ngayon parang ang hirap hula-an but siguro bagong young actress lang to kasi wala naman sinabi na kilalang young actress.

  4. I think hindi pa masyadong kilala itong young actress kasi kung popular ito nalaman na ng lahat ang pangalan ewan no idea kung sino sya.

  5. Fresh na freash ang pretty face ni cristine its not her bawal sa heart nya kasi alam ko may heart problem sya eh btw, cristine hope u will stay as kapamilya.

  6. me too i dont believe its cristine wala naman ngayon show si cristine at the moment at hindi naman sya nag sisigarilyo diba yon ang alam ko i think rh….

  7. I am 100% its not cristine marami pa naman young actress si crisitne naman is identified as sexy young actress with the word sexy at marami naman dyan young actress bakit si cristine lang ba kilala nyo iba nga naman talaga pala pag star na

Leave a Reply

Your email address will not be published.