Young Actress, sobra sa kamalditahan!

BLIND ITEM: IPINAGPAPASALAMAT ng isang baklang empleyado na nakaalis na siya sa pinagtrabahuhang salon na pag-aari ng isang kilalang aktres. All-around ang naging trabaho niya sa establisimyentong ‘yon, na kung tutuusin ay maayos naman daw magpasuweldo.

Hindi ang amo niyang aktres ang kanyang inirereklamo, kundi ang dalawa nitong kapatid na babae. Of her two sisters, mas sikat ang bunso palibhasa’y isa sa mga pambatong young actress ng isang malaking TV station. May regular itong teleserye, “pilantod” kung tawagin siya sa kuwento kung saan ang bida’y siya ring pangalan at pamagat ng naturang panoorin tuwing gabi.

“Ay si (pangalan ng young actress)? Naku, nuknukan ng sungit ‘yung batang ‘yon, ang arte-arte pa! ‘Pag hindi naman sinasadyang saktan siya ng nipper ‘pag nagpapa-cleaning siya ng paa, sisigaw na lang ‘yan ng ‘Aray, aray… ano ba, you’re hurting me!’ O, kaya naman ‘pag inaayusan mo siya ng buhok, puro pintas ang maririnig mo. ‘Hindi ko type ang ginagawa mo sa hair ko, ha? Ang pangit!’ Imagine hindi naman siya ang may-ari ng salon kundi ‘yung ate niya. Bale ba, hindi naman sole proprietorship ‘yun, dahil meron ding mga kasosyo ru’n ang ate niya. Hindi na nga siya nagbabayad, nagtataray pa siya!” kuwento ng aking source.

Mabuti-buti na raw sana kung tini-T.Y. na nga lang niya ang serbisyo sa salon. “Mate-take na nga naming ‘yung pagtataray ng batang aktres na ‘yon nang wala sa lugar, kaso ‘in-award’ ka na’t lahat nang bonggang-bongga, eh, wala man lang tip!” dagdag pa ng aking impormante.

Ibang-iba raw ang young actress na ‘yon sa kanyang ate, mahigpit kung sa mahigpit bilang negosyante, pero nasa katuwiran naman daw ito kung nagagalit paminsan-minsan. Hindi raw katulad ng batang aktres, na mukhang maamo lang daw ang mukha pero may kamalditahang itinatago sa katawan.

Kung kulang pa ang ibinigay kong clue, isang sikat na chain of department stores ang kanyang initials. Nauugnay siya ngayon sa isang kontrobersiyal na aktor, na habang karelasyon niya ang isang matangkad na aktres na dating international beauty queen ay diniskartehan din niya ang malditang young actress.

O, Dani Flores, kabubukas pa lang ng klase nitong June, huwag mong sabihing repeater ka sa susunod na school year, ‘noh! Iniba ko lang daw ang standar closing paragraph ng mahal kong si Cristy Fermin na magbe-birthday na sa July 23, o!

SIMULA NA NGAYONG Lunes alas-sais ng gabi hanggang Biyernes ang bagong aabangan at katatakutang first ever vampire drama series on Philippine TV on TV5. Pinamagatang Split, mga Israeli actors ang mga bida sa Tagalized version nito. Siyempre, the so-called Promised Land (ayon nga sa Bibliya) boasts of handsome men and beautiful women, a refreshing breather from the Mexican, Korean and Taiwanese beauties who have invaded Pinoy TV.

Interestingly, ang Split ay hit na hit sa mahigit tatlumpung bansa from Europe to Latin America. Around seven million viewers in Israel have been its avid supporters. And what a timely treat on TV lalo’t patok na patok ang Twilight series (now on its third installment) na kuwento rin tungkol sa mga bampira.

Human blood, anyone?

‘>MAMAYANG HAPON NA magsisimula ang Hole in the Wall nina Michael V at Ogie Alcasid bago mag-Langit sa Piling Mo.

At least nilinaw ni Michael V na hindi na siya ‘yung nasa blind item na comedian/TV host na gustong kunin ng ABS-CBN 2.

Nu’ng mag-guest nga ito sa Startalk, sinagot nitong walang alok sa kanya at hindi nga raw siya ‘yun. Ibinuking tuloy ni Joey de Leon na hindi nga siya kundi si Roderick Paulate pala. Hindi nga lang tinanggap ni Roderick dahil naging abala na siya noon sa pangangampanya sa eleksiyon.

Mabuti na lang at ni-reveal ‘yun ni Joey para matigil na rin daw ang katatanong kay Bitoy, kung siya nga itong gustong piratahin ng Dos.

Abangan n’yo na lang itong Hole in the Wall nina Bitoy at Ogie dahil iba-ibang karakter ang gagampanan nila rito. Hindi lang ‘yung kina Yaya at Angelina.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

22 thoughts on “Young Actress, sobra sa kamalditahan!

  1. naku, wag na kayong magtaka. matagal na yang maldita yang babaeng yan . mo wonder sa tinagal tagal na sa showbiz eh di man lang sumikat. naungusan pa ng mga baguhan. tama , kong hindi lang maputi yan sino bang kukuha niyan as artista eh ang laki laki pa ng ngipin.

    lubus lubusin mo na shaina habang hindi pa nagsasawa sayo si JLC. wag ka lang pabuntis…kundi pagtatawanan ka lang ng madlang peeps.

  2. SHAINA AT JOHN L… ilang araw or buwan nalang ang kinang nyo sa showbiz…bilang na mga araw nyo sa pag kinang…pag nag umpisa teleserye ni john lloyd with angel…im sure baba rating..wawa si angel nadamay pa!

  3. hay nako cno kya ang bias huh hibiscus..ang abs cbn noh ulol kampihan ba s noynoy at magkano kya ang bnabayad ng abs cbn sa mga writers kuno nla …hay nako wlang alam sa network na pnapanuod mo,,,mgkano ba byad kay sucaldito etc.

  4. Hello alam na sa apat ng sulok ng showbiz ang kagaspangan ng ugali ni Shaina. Remember, binuking ni Roxanne Guinoo ang kaitiman ng budhi ni Shaina at walang kagatol gatol na binulgar sa the Buzz… maski si Bea ay inaway nya kasi binigyan ni JohnLloyd ng expensive make up case ng magpunta sa States. well pagsasawaan lang sya ni Idan kasi bigay todo si Shaina kahit na syota pa nya si John Pratts, sumasama si Shaina kay John Lloyd at iniiwan si John Pratts sa party.

    • Ito ba ang dahilan kaya lumipat ng DR si Bea sa ASAP?Kasi dati magkakasama sila ni Shaina at Anne ngayon sila Toni na ang kasama niya.Yong make up case ang alam ko was from Japan yong sa States iba ata yon.

  5. its not the first time Ive heard of it,maldita talaga yan.inggitera.ang alam ko tinarayan din niya yung one of the hottest young stars ngayon.nakarma tuloy,mas sikat na sa kanya ngayon ang tinarayan niya.

  6. shame on you people who are trying to put shaina down especially the writer of this blind item. he seems to have a big issue with shaina? why? haha, maybe your insecured of her? oh well .. TL ♥

    and i agree with hibiscus :) that is so true!

  7. well, RC, ano pa ba ang bago?

    wala namang mabuti sa ‘yo kundi ang pamilya ni anabil at ang starlets ng pinagta-trabahuhan at pinagpa-parttime mong network!

    lahat naman ng “STARS” ng dos eh hindi mabait at maganda sa ‘yo!

    understood naman na puriin mo ang nagbibigay ng pakimkim sa ‘yo!

    kung totoong writer or journalist ka dapat kunin mo ang both sides of the story kung totoo or hindi!

    ay! sorry! tulad ka nga rin pala ng istasyon na pinagsisilbihan mo, may “kinikilingan at puro kasinungalingan!”

  8. feeling sikat na xa…pwe…maputi ka lang noh..maganda pa din sayo ang ate mo….laki pa ng teeth mo…pareho kau ni john lloyd pangit ugali…kung d ka pa sister ni vina makikilala ka ba?ung ginawa nyo kina john pratts at ruuffa G?kakarmahin kayo…d kayo magtatagal noh…

    • KOREK KA JAN! KAYA PALA DATI SI ROXANE GINOO UMIYAK KASI PINAGTULUNGAN SYA NOON NI BISUGO AT SI BEA..KALA KO SI ROXANE UN MALDITA BALIKTAD PALA…

  9. grabeh naman itong si shaina malandi na maldita pa,kung panonoorin mo sa tv para anghel daw pero sa totoo demonyita pala etitch..

  10. hello, college pa lang ako ng agawin nya ung stylist ko sa ystillo,nagpapagupit ako sa ystillo fairview dati ng magtaas ng kilay yang bruhang SM na yan at sabihing stylist ko yan!hello! customer ako!arte nya!

Leave a Reply

Your email address will not be published.