Young Actress, Parausan Na Lang Ni Young Actor

UNLIKE A WOVEN cloth, mismong ang young sexy comedienne na ito ang nagpasintabi sa amin na hindi niya hinabi ang kuwentong ito.

Saksi siya nang timbrehan ng isang kapwa young actress, who got a call from her rumoured actor-boyfriend, para sunduin ito sa airport somewhere in the Visayas. Klaro ang arrival details ng aktor, may nag-aantabay nang sasakyan lulan ang kanyang girlfriend, kasama ang aming komedyanang source.

Nang iluwa ang aktor mula sa arrival area, may ibang sasakyan din pala sa labas ng airport ang naghihintay sa kanya. It turned out that the passenger of the vehicle ay isang very promising young actress, anak ng isang tanyag na action star.

Nagulat siyempre ang dyowa ng aktor whose car was tailing behind the vehicle na sinakyan nito. Siya itong tinawagan para sumundo sa aktor, pero ibang babae ang pumik-ap?

Nanlumo ang aming komedyanang source para sa kanyang kaibigang aktres. Minsan na nga naman nitong isinakripisyo ang kanilang relasyon ng young actor to give way to the latter’s loveteam, eto’t nasundan pa uli?

Parausan na lang bang matatawag ang pobreng young actress na ito, na nagkaroon nga ng ‘puwesto’ sa isang pambansang beauty contest, pero talunan naman pagdating sa larangan ng pag-ibig?

One thing’s for sure, sobrang naa-alarm na ang madir para sa anak niyang very promising actress na nahuhumaling sa talipandas na aktor. Balak na nga raw ng madir na pabalikin na ang anak sa bansang pinanggalingan, na sinalanta ng lindol bago ang trahedya sa Japan.

Juice ko naman, napaka-‘rich’ na ang mala-wooden statue na clue na ito mula sa Land Down Under!

(By Ronnie Carassco)

loading...

7 thoughts on “Young Actress, Parausan Na Lang Ni Young Actor

  1. Puta ako na lang babanat sayo rich. Di hamak na mas guwapo pa ko kay aljur kahit saang anggulo tingnan.

  2. Pag nagkataon..pare pareho ito may Karma Rich , Aljur at Kylie .. pareho yata may inapakan na tao sila.. Hindi ko alam kung maawa ako op maiinis kay Rich.. naku apreho sila merong kasalan in one or the other diyan.. mahaba nobelang pag nilahad pa dito ..

Leave a Reply

Your email address will not be published.