Young actress, nilayasan ang amang aktor dahil sa boyfriend?!

PAGKATAPOS NG TAMPUHAN blues na nauwi sa hiwalayan ng mag-asawang sikat na aktor at ng kanyang ex-partner in life, nagkaroon naman ng matinding gulo between the popular TV and movie actor and his daughter, na queenly kung ituring sa teleseryeng kinabibilangan nilang mag-ama noon.

‘Yan, huh! Umpisa pa lang, e, sandamakmak na clues na ang naibigay. Hek-hek-hek!

This time, ang pinag-aawayan ng mag-ama, e, ang katigasan ng ulo ng kanyang dyunanak pagdating sa lovelife.

Hindi raw kasi boto si father sa boyfriend ng kanyang anak kaya in-advice-an niya itong hiwalayan.

Kaya lang, mukhang matindi ang love which struck the heart of this queenly daughter towards the boylet, na medyo matagal na rin sa entertainment business pero hindi pa nakagagawa ng matinding pangalan aside from co-hosting a midnight show. ‘Yan, huh! Another clue pa na kahit siguro ibigay namin ang name, e, mananatiling blind item pa rin… joke!!!

Dahil sa matinding sagutan ng mag-ama, e, nag-desisyong lumayas sa kanyang poder ang kanyang anak, na ngayon ay tumitira sa relatives ng kanyang mother somewhere in the north.

Nakapag-dialogue daw kasi ang action star father ng girlet na itinatakwil na niya ang kanyang dyunanak, dahil sa hindi ito mapigilan sa kanyang lovelife kaya hayun, lumayas si girlet.

But op kors, dahil hindi naman siya matiis ng kanyang father kaya binigyan naman siya ng bodyguard cum driver para samahan ito sa kanyang mga lakad.

As of press time, e, nagpapatulong naman ang girlet sa kanyang boyfriend na lumipat ng bahay somewhere in Kyusi para naman madali siyang makapag-move sa kanyang mga TV commitments but it doesn’t necessarily mean na magli-live in na ang dalawa.

More clues? Kung ire-research ng boylet ang background ng father ng kanyang girlet, gusto namin siyang payuhan na mag-ingat siya dahil dating siga ang father ng queenly star na kanyang syota. Baka maburda siya kapag gumawa siya ng kalokohan… getz?!

Kaloka talaga si Joey de Leon. Sabi ba namang mas bagay daw si Jaya bilang nanay ni Regine Velasquez sa Diva! Ha-ha-ha! Hindi ba’t chaka si Regine sa simula? E, mas bagay raw si Jaya ru’n.

Patawa talaga si Joey. Pero kung tutuusin, p`wede rin naman, ‘di ba? Why not?!

Anyway, brainchild daw ni Regine ang story ng Diva. Naku, masamang omen ‘yun. Hindi ba isa rin si Regine sa mga nag-iisip ng bagong ideas nu’n sa natsuging SOP? Knock on wood!

For reactions, please e-mail [email protected]

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Previous articleRedford White, matagal nang naka-confine sa ospital dahil sa kanser?!
Next article‘Di ma-take ang demotion sa pagpasok ni Cristy Fermin: Alex Gonzaga, nag-resign sa Juicy

No posts to display