Young actress, may matinding galit sa kapwa young actress cum bestfriend?!

BLIND ITEM: KINSA Sila? Dati nang may maraming hindi kagandahang balita tungkol sa ugali ng young actress A na sumikat sa TV version ng isang sexy movie noon. Si young actress A ay produkto ng reality star search ng isang malaking istasyon kapareho ng bestfriend niyang si young actress B na nagmula rin sa isa pang reality search sa isang sikat na bahay.

Naging mabilis ang kanilang pagiging mag-bestfriend dahil pareho silang galing sa south. Palagi silang magkasama sa mga lakaran, sa gimikan at maging sa mga sikreto nilang dalawa ay alam ng bawat isa. Kuwento pa ng ate ni young actress B sa isang staff ng isang showbiz talkshow, sa kanila pa nagpa-Pasko noon si young actress A dahil nga malayo ito sa kanyang pamilya. Pero lately, naging maasim na raw itong si young actress A kay young actress B dahil mas magagandang proyekto ang naibigay kay young actress B kaysa sa kanya.

Marami rin ang nagtataka kung bakit marami umanong istorya ng kamalditahan sa staff at sa personal assistant itong si young actress A. Noong nagsisimula pa lang itong si young actress A, sweet ito sa mga staff ng mga showbiz talkshow kasi lagi itong bumebeso sa kanila. Pero ngayon, kapag nasalubong or nakatagpo sa mga events itong si young actress A, hindi na nito ginagawa ang pagbeso sa mga crew ng mga talkshows.

Sana hindi tuluyang malunod sa isang basong tubig itong si young actress A, dahil ang kanyang bestfriend noon na si young actress B ay hindi pinagbago ng kasikatan kaya tuloy nananatili ito sa rurok ng tagumpay!!!

MARAMI RING MGA pagsubok na pinagdaanan ang relasyon nina Dingdong at Marian. Pero hanggang ngayon, nananatili pa ring matatag ang kanilang pagmamahalan. Lahad pa ni Dong, “Minsan maganda rin kung may mga pinagdaraanan, kasi pag nag-look back ka, alam mo ‘yung mga maling nagawa mo, para sa susunod na taon hindi na mauulit. So para sa amin, always at the end of the year, mag-a-assess kami. Para sa susunod na taon, magandang-maganda ang takbo ng pag-iibigan namin.”

Ayon naman kay Marian, ang mga pagsubok na kanilang dinaanan at napagtagumpayan ay patunay lamang na hindi ito nakaaapekto sa kanilang magandang samahan. “Kasi lahat ng mga nangyari sa amin ay pagsubok eh… so, tulad ng sabi niya, du’n kami mas tatatag, eh… pagsubok, pero wala naman yatang matinding pagsubok…”

Sa ngayon, abala si Marian sa promo ng kanyang MMFF entry na Super Inday and the Golden Bibe, samantalang si Dingdong ay abala rin sa taping kanyang teleseryeng I Heart U Pare kasama ang nag-iisang Songbird na si Regine Velasquez. Malapit na ring lumabas ang kanilang bagong commercial kasama sina Piolo Pascual at KC Concepcion. Bongga!

PASADO SA MGA manonood ang istorya ni April “Congratulations” Gustillo dahil pumalo agad sa ratings ang pilot episode ng Star Confessions noong nakaraang Miyerkules. Ayon pa sa AGB-Nielsen Individuals Megatam Ratings na nakarating sa amin, ang Star Confessions ay nakakuha ng 10.0% amr at 29.8% audience share. Naungusan nito ang mga katapat na programa sa dalawang istasyon. Number 1 din overall ang primetime ng TV5 noong Miyerkules na nakakuha ng 29.0% share laban sa GMA na mayroon lamang 28.5% share at ABS-CBN na nakakuha ng 28.3% audience share. Ayon pa kay Nanay Cristy Fermin, ang host ng show, ipinagdasal niya sa Panginoon na agahan na nito ang aginaldo sa kanya sa pamamagitan ng mataas na ratings. Pero hindi niya inaasahang ganito kataas ang ibibigay na tiwala ng mga manonood. Kasunod na mapapanood sa Miyerkules, December 15, pagkatapos ng Willing Willie ang kuwento ni Lito “Shalala” Reyes, ang blind item queen, kung saan ilalahad niya ang kanyang buhay sa likod ng pagiging sikat na sidekick ng nag-iisang Master Showman Kuya Germs. Again, congratulations!!!

Tutok lagi sa Juicy, daily (12 NN), sa TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, sa TV5; at sa Cristy Ferminute, Radyo Singko, 92.3 newsFM, daily, 4 to 6 PM.

Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.