Young actress, may bayad na P200 kada pa-picture sa fans!

KINSA SIYA? ILANG lingo na ang nakakaraan nang may mag-post sa aming Facebook account ng isang blind item tungkol sa diumano’y young actress na rumaket sa pamamagitan ng pagpapabayad tuwing may nagpapa-picture sa kanya.

Ang siste ng aming Facebook friend, isang linggo ng hapon sa isang maliit na mall sa may Caloocan, may isang tumpok daw ng mga tao ang nagkagulo sa isang tabi ng mall. Nakiusyoso itong aming fb friend at nakita niya si young actress na pinagkaguluhan ng iilang nandu’n at may mga picture-picture na naganap.

Gusto nang aming fb friend na magpa-picture, pero nagulat siya na may nangongolekta ng P200 bago raw ito makapag-pose at makapagpa-picture sa young actress.

Ikinadismaya daw ito nang aming fb friend. Mas okay raw sanang mag-pay siya kung ang ina man lang nito ang nandu’n na feel niyang mas maganda at mas may-appeal pa sa young actress. Ganu’n! Andiyan na ang clue, ha?!

(By Arniel Serato)

Previous articleAng istupidong anti-poor na batas!
Next articleAnak ng sikat na personalidad sa ibang babae, nabinyagan na?!

No posts to display