Young actress, mabenta sa mga politician!

OLA CHIKKA! NGAYON ay araw ng Lunes, kaya naman nararapat lamang na simulan natin ang linggo ng mga ngiti at maiinit na chikka! Don’t make your Monday a blue Monday, sa pamamagitan ng aking mga chismax to the maximum authority of chikka!

At speaking of happiness, hindi nakaligtas sa pagpuna ko itong komedyanteng ex-housemate na si Melai Cantiveros na sinasabing sumusunod sa yapak ng Superstar na si Nora Aunor. Hindi raw maiwasang ipagkumpara ang dalawa dahil sikat na raw si Melai at sa kanyang kutis dahil parehas daw silang Moreno at tuwang-tuwa ang mga manonood. Ha-ha!

Excuse me pow!! Ang layo kaya ni Melai kay Nora, dahil sa nararating ngayon ng career niya, walang-wala pa sa Superstar.

Solid Noranian ako kaya bawat detalye sa career ni Ate Guy ay alam na alam ko, kaya naman medyo natawa ako nu’ng marinig ko ang chikkang ito.

Ano naman ang nakakatawa kay Melai? ‘Yung pag-make face niya na may panguso-nguso effect pa? Kunsabagay, kung sa ngayon ay nakakatuwa pa siya, pero tingnan na lang natin sa mga susunod na araw. Malay mo, maabutan nga niya ang kasikatan ng one and only Superstar ng Pilinas, ‘di ba?

Anong masasabi mo Jason Francisco? Sorry na lang kayo at winner itong si Melai sa boyfriend niya!

Paakk!!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong bagong artistang pumasok sa showbizness na hindi pa man nagtatagal ang career ay puro negative na agad ang isyung inilalabas sa kanya?

Ang chikka kasi, itong young actress daw ay napakasama ng ugali at napakakati rin. Ay, taray! Malandi raw talaga ito, ayon sa aking parazzi girl na naka-chikka-han ko noong pumasok ako sa isang bakod ng malaking istasyon at i-chinika sa akin na itong young actress daw ay mabenta sa mga pulitiko at makapangyarihang tao.

Noon ay na-link ito sa isang pulitiko at ngayon naman ay sa bagong elect lang na politician na nahuhumaling daw umano sa kanyang ganda.

Sa batang-batang edad niya na kaka-debut lamang ngayong taon, na sa pamatay niyang katawan at mala-anghel ang mukha, sino ba naman ang hindi mabibighani sa kanya. At dahil sa kanyang kagandahan, ay day! Winner talaga siya! House & lot plus kotse pa ang hatid ng kanyang kakaibang ganda! O, say n’yo?

Kung totoo nga ito… girl tagumpay ka!

Sino itong young actress na niregaluhan ng isang newly elect politician? Manood kayo ng telebisyon at makikita n’yo silang parehas sa iisang istasyon. Hindi n’yo pa rin mahulaan? Bahala na kayo! Pumunta kayo sa kaharian ng hari at reyna para makita n’yo ang anak nila! Ha-ha! ‘Yun na!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa tita_s2006@yahoo.com. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

23 thoughts on “Young actress, mabenta sa mga politician!

  1. NORANIAN ka pala TITA SWARDING… Ok, kakaintindi naman kung dimo namamalayan na mejo me panlalait na pagkakasulat mo. Ganun naman kasi talaga ang isang die hard fan.Naiintindihan ko na ang feeling, dahil 1st time kong maki-fan sa isang artista. At kahit ako nagtaka din sa sarili ko, isang MELAI lang nakahatak sakin para makijoin at makibagbakan para ipaglaban ang iyong idol.At talagang gumagastos nako ha para sa kanya at nagbibigay ng tym, na never ko ginawa sa buong buhay ko pr sa 1 artista.

    For sure, dimo nasubaybayan kasi si MELAI 24/7 unlike ng most ng fans nia. Di ka lang gugulong, u die katatawa.U die, then ur alive again, whoah! feel refresh at ganado na uli magtrabaho. She was loved for simply being herself, good & weak sides nia, lahat accepted ng fans nia. Iba pag minahal ka, kaysa sa hinangaan ka.Yan si MELAI.

    MELAI is quick-witted, like ke TONI Gonzaga na magaling na host because of her quick response.Nabubuntutan ng maganda ung huling sinabi ng co-host sa spiel.While MELAI, di lng basta2 nabubuntutan, funny pa ang delivery.Kakaiba ang hirit.Magaling magformulate ang utak.

    On NORA and MELAI. Yup, madami pa kakaining bigas si MELAI to be like NORA.NORA is already NORA, she’s a FILIPINO pride na talaga at ang mga belt na nasa bewang nia,dimo kakayanin.

    Kaya nasasabi ng tao na sumusunod si MELAI sa yapak ni NORA kc marami silang pagkakapareho – like they’re BOTH MAHAL NG MASA AT BEATING THE SOCIETY NORMS.E2 ang pnktrademark nila.BULILIT, NEGRITA, pero madaming pinapataob na mga MEZTIZA, MATATANGKAD, BARBIE DOLL FACES. Now, e2ng si MELAI, me kasama pang panlalait sa fez nia. Pero kming fans, nkita na nmin na habang 2mtgal, mganda pl tlg xa at iba ang karisma.

  2. excuse me na lang may sariling ganda si melai… at di na niya kasalan na ikumpara siya kay nora maka melai ako pero kahit ako ayaw ko ikumpara siya dahil nag iisa lang ang dyusa melai…

      • korek pangit man kumikita, pero di diya pangit kung kumpara sa mga ordinaryong tao..

    • Obviously hindi siya panget or else bakit pa nila pag chachagaan sa TV! Imbes na mang lait ka, at mag ubos ng pera sa kapitbahay mong cyber cafe– mag ipon ipon ka nga ng pera mo sa kapupulot ng dyario bote at lata para sa gastusin mo kay BELO!

  3. oh my momay!! sino ang tumitira dito kay melai?!! hoy!! baklita ang kapal nang mukha mo ah!!! mahal namin yang sinisiraan mo!! hinding hindi kami magsasawa sakanya!! pero sa mukha mo sawang sawa na kami!!!

  4. I am a fan of melai or melason, I supper agree sa comment above me.. Hindi na poh kasalanan ni melai yun kung konocompare sya kay Ms. Nora Aunor.. Ang mga tao poh at ibang artista yung nagsasabi niyan hindi sya kaya sana poh tigilan niyo na sya.. Wala poh syang ibang ginagawang msama sau, she is just tring her best to work.. so please leave her alone nalang…

  5. ang kapal naman nang baklitang ito para laitin si melai.. hoy!! wala kang karapatan na siraan si melai noh, dahil wala naman syang ginagawang masama sau!! at FYI hindi sya ung nagsabi na para syang si nora aunor, kaya wag sya ung tirain mo about sa issue na yan!! awayin mo yung mga nagsasabi hindi sya!! ikaw ah ang panget na nga nang mukha mo ang panget pa nang ugali mo!! we love melason!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.