Young actress, inaayawan ng network management dahil sa masamang reputasyon

Hindi raw pala nagustuhan ng management ng malaking televison network ang pagkakasama ng isang young actress sa isang TV project.

Ayon sa chika, kasado umano ang proyekto kasama ang young actress. Pero nang malaman umano ng top executives ang plano, ipinatawag daw ang production team at pinagsabihan ang mga ito sa pag-cast sa young actress.

Sa tingin kasi ng mga executive, may masamang reputasyon ang young actress na maaaring makaapekto sa ratings ng programa at sa pagpasok ng advertisements.

Dagdag pang chika, ganda lang ang puhunan ng young actress. Hirap pa rin daw itong umarte at kung ilang takes ang nangyayari bago makuhanan nang tamang pag-arte.

Pakiramdam nga raw ng mga beteranong artista, para silang nangbibigay ng on the spot acting workshop sa young actress kapag kaeksena nila ito.

Samantala, sabi pa sa chika, deadma lang daw ang young actress sa mga isyu sa kanya. Ayaw raw nitong magpaka-plastic, at gagawin niya kung ano ang gusto niyang gawin.

Kung natuloy ang proyekto at kung natuloy ang young actress na mapasama sa show? Ah, eh… ma! As in malay namin, ‘no!

 

By Parazzi Boy

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.