Young actress, ibinili ng bahay ng sikat na personalidad?!

HOW TRUE NAMAN kaya ang nasagap naming chismiz? Ito raw kasing si young star ay ibinili raw ng magarang balaysung ng isang kilalang personalidad. Usap-usapan nga raw kasi sa university na pinapasukan ni girl na may bago nga raw itong bahay na nilipatan at bagong bili nga raw.

Ang ipinagtataka ng mga nakakakilala kay girl, wala naman itong masyadong project sa TV, at in fact nga raw, halos hindi na nga raw ito visible kundi lang sa isang kontrobersiya na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin. Kaya paano raw na magkakaroon ito ng bonggang balaysung?

‘Eto pa ang ikinaloloka ng aming source, mukhang kiyeme lang ng girl na magtatapos lang siya ng schooling bago seryosohin ulit ang pag-aartista. Dahil ang totoo raw, mismong si girl ay hindi na alam kung anong kurso ang kukunin, dahil paiba-iba nga raw ito ng course. Hmmm… maraming pera para magpalipat-lipat ng course ha?! Iba na nga ang panahon ngayon, ‘no!

Ang nasabi lang sa amin ng aming katsismisan na ayaw magbigay ng clue, bago na ang panahon ngayon… at sigurado raw na tulog ka ‘pag tinamaan ka ng bituin! ‘Yun na!

(By Maica Tidila)

loading...

7 thoughts on “Young actress, ibinili ng bahay ng sikat na personalidad?!

  1. Obviously, its yasmien kurdi- who repeatedly saying that she’s on a schooling and still facing the conflict with baron geisler..

Leave a Reply

Your email address will not be published.