Young actress, gustong isumpa ng may ari ng resort sa Bora!

KINSA SIYA? SINO itong young actress na gusto na raw yatang isumpa ng isang may-ari ng resort sa Boracay? Ang rason, hmmpppp, ilalahad na namin.

Kuwento ng aming malditang source, nakausap daw niya itong resort owner noong kasagsagan ng Holy Week vacation niya sa Bora at an’dami raw nitong sentiyemento sa isang young actress na diumano ay nagpa-reserve ng dalawang kuwarto sa kanyang mala-paraisong pag-aaring beach resort.

Good for four daw ang inilaan nitong resort owner dahil nga raw apat silang magbabakasyon since artista itong kanyang kausap, libre as in 100 percent ex-deal lamang ito para na rin pang come-on sa mga turistang bibisita sa isla. Ipinahanda pa raw nito ang dalawang malalaking artista rooms para sa kanyang kausap na young actress.

Noong dumating na raw ang araw na nakatakdang mag-check-in itong si young actress sa kanyang hotel, ni anino raw nito ay hindi naaninag, kundi ipinadala raw sa nasabing resort ang kanyang dalawang yaya. Naku poh, naloka siyempre itong si resort owner, kasi imbes na maibigay sa mga turista at kikita pa siya sa dalawang malalaking kuwarto na kanyang ini-reserve para sa young actress, heto at pinagpistahan ng dalawang yaya ng actress ang pina-reserve nitong rooms.

At ang lalo pang ikinaloka raw ng resort owner, sa ibang hotel daw ito nag-check-in dahil kasama ng young actress ang kanyang papa, hindi ama ha, kundi boylet, as in boyfriend.

Ayaw ng mga kababayan natin ng ganyan, huh!

(By Arniel Serato)

Related Post

loading...

7 thoughts on “Young actress, gustong isumpa ng may ari ng resort sa Bora!

  1. Dapat pinalitan ng owner ang bedsheet ng room ng ng banig.. kasi yaya man lang ng check in..ayan tuloy…

  2. i agree with u guys, i think good move nga yung ginawa ng BI atleast hindi iba ang turing nya sa mga yaya niya. at isa pa, hindi nmn hiningi ng young actress na for free sila magstay dun. there’s nothing wrong sa ginawa ng young actress.

  3. Next time, do it in writing. Have an agreement drawn para maintindihan ni actress na kapalit nang libreng kuwarto ay ang pag advertise na andoon siya nakacheck-in. Kasi, sa tingin ko, parang ang ginawa nang may ari nang hotel ay understood na GRATIS, Walang usapang magpro-promote si young actress.

  4. Its not the actress’ fault but the resort owner’s fault. The resort owner expected something in return kaya niya inilibre ang young actress sa room charges. Mabait nga si young actress at binigyan nya ng engrandeng bakasyon ang mga yaya niya. That’s a big gesture for someone na paglibangin ang mga yaya niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.