Blind Item: Young actress at matinee idol sa magkalabang network, nagkatikiman?!

BLIND ITEM: NAGKITA pala sa isang probinsiya sa may Norte ang dalawang bagets. Ang young sexy actress at ang guwapong matinee idol na magkaiba ang pinaglilingkurang network, ba’t sila nasa isang kotse?

Ano raw ang ginagawa nila sa loob? Meron ba silang show roon? O, nag-road trip lang sila going to the North? Ang tanong nga ng nakakita, “Sila na ba? Nagkatikiman na kaya sila?”

Aba, d’yan naman kami hindi puwedeng humusga. Malay naman natin kung totoong super friends lang sila, period. Pero kung nagkatikiman na sila, eh, sino naman tayo para makialam, eh, ‘yun ang trip nila, di ba? Kahit isumbong n’yo pa ‘yung bagets actor sa isang “bulaklak” ay hindi naman sila magsyota.

Buti na lang at hindi pa ikinakasal kung kanino ang bagets actress.

by Ogie Diaz

Previous articleTago: Feeling president na ang isang presidentiable
Next articleDennis Trillo, mahilig magpalusot?!

No posts to display