YOUNG ACTRESS, APPLE OF THE EYE NG LESBIYANANG EXECUTIVE?

BLIND ITEM: KINSA SIYA? Sino itong sikat na young actress na umano ay apple of the eye nga-yon ng isang bossing ng isang film company. Ang siste, ayon sa aming kausap na very reliable source, madalas daw na nakikita itong si Young Actress na kasama ang film executive. Kaya naman hinala ng iba, itong si Young Actress na ang bagong kinahuhuma-lingan ng film executive na madalas na nali-link din sa mga artistang babae sa kanilang bakuran. Dagdag pa ng aming source, abangan na lang daw sa taong ito ang mga malalaking proyekto ng young actress.

MAGKAKAROON NG NATIONWIDE ta-lent search ang Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at pormal na itong inilunsad kahapon. Kasamang dumalo sa pagtitipon ang OPM President na si Ogie Alcasid at ang Pagcor Assistant Vice President for Entertainment na si Bong Quintana.

Tumataginting an P300 thousand ang mapapanalunan ng grand prize winner, recording contract sa isang major recording company, at kontrata para makapag-perform sa  iba’t ibang sangay ng Pagcor.

Para sa mga interesadong sumali at para sa iba pang mga detalye, bumisita lamang sa www.pagcor.ph or www.opm.org.ph or tumawag sa OPM sa teleponong 5039878.

NOONG LUNES, MGA alas-singko nang hapon sa programang Cristy Ferminute sa Radyo Singko sa 92.3 NewsFM, sorpresang dumaan si Kean Cipriano upang mag-sorry nang personal kay Nanay Cristy Fermin.

Nagkaroon ng kaunting tampo si Nay Cristy sa mahal niyang anak-anakang si Kean sa kasagsagan ng isyu between Alex Gonzaga and Kean na magkasama noon sa afternoon show na BFGF. Hindi lingid sa amin na sobrang mahal ni Nay Cristy sina Alex at Toni Gonzaga pati na ang kanilang mga magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Bono.

Ipinahayag naman ni Kean na humanga talaga siya sa kakikayan at galing ni Alex at inamin nitong si Alex nga ay mahal niya ‘differently’. Dagdag pa ni Kean, “Alex is my 2010,” dahil nga lalo siyang sumikat sa larangan ng pag-arte sa telebisyon nang makasama niya ang dalaga.

Napaka-gentleman pala talaga nitong si Kean dahil kahit na binabato na ng intriga, hindi pa rin ito nagsalita sa isyu at hinahayaan na lang niyang mamatay ito ng kusa.

PAHABOL: Simula nu’ng Lunes ng gabi, nagsimula nang umere ang Juicy sa primetime sa TV5 pagkatapos ng current affairs program. Abangan ang lalo pang pinasiksik, pinaanghang at pinagandang Juicy sa bago nitong timeslot gabi-gabi.

Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.