Young Actress, 2-buwang buntis sa non-showbiz bf?!

BLIND ITEM: MAS maganda siguro kung sa young actress mismo natin marinig bago natin paniwalaan ang kumakalat na balitang siya’y two months pregnant sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Pinipilit kasi kami ng aming source na paniwalaan ang lumabas na balita, dahil idinagdag pa nitong nag-react na ang mga magulang ng young actress. At ang desisyon nito: ipakasal sa lalong madaling panahon ang anak sa non-showbiz boyfriend.

Aware na rin daw ang mga magulang ng lalaki sa nangyari, pero hindi ito pabor sa gustong mangyari ng magulang ni babae, dahil kakakasal lang diumano ng sister nu’ng lalake nitong January lang.

Plus the fact na baka ‘pag nalaman ito ng unang girlfriend (o asawa?) nu’ng lalaki ay baka hindi na makita ng mga magulang nu’ng lalaki ang apo nila rito.

Na-turn-off daw ang magulang nu’ng lalaki, dahil ang gusto pa raw mangyari nu’ng madir ng young actress ay bigyan ng sariling bahay at lupa ng lalaki ang kanilang anak.

“Ambisyosa ang madir, ‘Day! Na-turn-off talaga ang kabilang partido. Parang gusto nilang iligaw na lang ang anak nilang lalaki sa mukha pa namang bulaklak na babaeng ‘yon!”

Oh, well… mahirap namang manghusga sa ngayon, dahil hindi pa namin alam ang panig ni Ms. Flower kung ano ba talaga? Kung buntis siya, aba’y dapat panindigan at harapin ang responsibilidad kahit pa ang katumbas nito’y pagbagsak ng kanyang career.

MERONG GRUPONG SUMALI sa Showtime. Sila’y umaalma kumbakit natalo sila samantalang deserving sila to win.  Ngayon, ang sinisisi nila ay si Vice Ganda kumbakit sila natalo.

Napanood namin ang naturang number. Kaya sila nag-win nu’ng una ay punumpuno sila ng energy. Pero nu’ng monthly finals na, eh, ginarbohan nila ang outfit nila, pero bumaba ang kanilang energy.

Ang sabi pa, “Porke hindi lang bumigay kay Vice ‘yung lalakI, ibinagsak na niya ang score!”

Kung kilala namin si Vice, ang kanyang judgment ay hindi niya kayang isakripisyo, dahil lang sa type niya ang isang lalaki o nagpapa-cute sa kanya during their performance.

Saka kahit perfect 10 pa ang ibigay na score ni Vice, eh, kung ‘yung ibang kasama niyang nag-judge, hindi naman din matataas ang score, pa’nong mananalo ‘yon?

Samantalang ‘yung nagwagi, perfect 10 ang score sa lahat ng hurado at ‘yan ay kitang-kita at napapanood pa ng mga Showtimers.

O, ‘di ba? Dahil masyadong effective maging hurado ni Vice, ayan na, naglalabasan na ang mga paninira sa kanya. ‘Wag na sanang mainsekyur. Talagang gano’n ang buhay.

ACTUALLY, TUMAWAG PA ‘yung lalaki sa amin. Humihingi ng sorry, dahil hindi raw totoo ‘yon. Sana raw, tulungan naming mag-explain siya kay Vice Ganda, dahil naaawa raw siya kay Vice.

Sabi namin sa batang ito, siya ang magsalita sa press, dahil hindi niya kami maasahang magsalita. Mabuti na lang kamo at reporter din ang manager ni Vice, kaya kaya naming ipagtanggol ang aming alaga.

Saka, hello?! Kung gustong mag-artista, ‘wag nang gumamit ng ibang tao. Imadyin, hindi pa nga nakikilala, me nakakapit nang nega image?

Happy first anniversary sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station. Siyempre, proud na proud sina Rommel Placente, Daddy Eric Borromeo at Ms. F, dahil nanganganak nang nanganganak ang mga listeners. Kaya ‘wag kalilimutan. From 11-12nn ang “Wow! Ang Showbiiiz!” at maririnig din online sa www.dwiz882.com.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

10 thoughts on “Young Actress, 2-buwang buntis sa non-showbiz bf?!

  1. yup..si Roxanne nga yan…nasa SNN ina-nnounce ni Boy Abundanung Feb 15..ikakasal sana siya kaso sukob daw sa kasal ng ate niya kaya next year na lang sila magpapakasal.

  2. Si Roxanne, kahit nag pasexy image and naging 2 bf na, disenting babae siya. Mabait at mapapagkatiwalaan. Mabait na bata at masunurin sa mga magulang. Nasabi ko dahil kapit bahay ko siya at best friend na kilala ko. Nag rorosary siya in regular basis, Kaya siguro off cam siya now dahil baka nag fofocus sa next project niya, either in films or in personal life. Totoong tao siya, hinditalaga plastic. We love Roxanne.

    • bakit, pag nakipagkantutan ba sya sa boypren nya e pinapakita nya sa mga kapitbahay nya?

      hirap sa kanya nagmamalaking virgiin pa… ayan tuloy! buntits!!!

  3. Payo ko kay Milai, maging cool naman siya at hindi masyadong super hype na parang pinasukan ang kuwan ng sili. Huag na lang mag english dahil baluktok talaga. Mag aral ng Personality Development. Si Jason naman, mag focus din siya sa sarili niya, mag enrol din siya sa Personality Dev., voice lesson. Sa kanila, dont overdo ang pagiging probinsiano/na. Alisin mga bad mannerism. Alisin ang po opo kapag kausap below 50 years old ( ive read this advice in here). Para tumagal at matagumpay ang hinaharap nila. DONT BE INSENSITVE NOT TO UNDERSTAND THIS VALUABLE MESSAGES. Paul

  4. GHOSTRECON, ‘wag ka masyado mapanghusga sa kapwa dahil oras na husgahan ka, mare-realized mo kung gaano kasakit ang balik!

    right mo magbigay ng opinion pero sana naman ay constructive criticism ang ie-express mo!

    dapat ang pinapanood at binabasa mo ay ‘yung may napupulot kang ARAL!

  5. si roxanne yan!…pa virgin effect pa kasi ayun saksakan pala ng hilig sa kama..tsk tsk parang si vice ganda hilig nyan boys no wonder di nanalo yung deserving kasi di pumatol kay vice..tsk tsk ano to another scandal in the making…di katakataka

  6. ogie, salamat at mukhang nilinis nyo ang site na ito dahil more than a week din akong hindi makapasok-pasok dito dahil infected ng virus tong site ninyo. Na-miss ko ng husto ang pinoy parazzi, lol! :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.