Young Actor-TV host, mahilig magpakain nang buong-buo! – Ogie Diaz

BLIND ITEM: MAHILIG pa rin palang “makipaglandian” sa kanyang condo unit ang isang young actor-TV host. Basta me babaeng maganda at naramdaman niyang type siya’t pinararamdam din sa kanyang ubod siya nang macho at to die for ang kanyang katawan, eh, napakasuwerte na ng babae.

Aayain na niya ito sa kanyang condo at ‘yun na. Me drama siyang, “Sige, ‘yan ang gusto mo, kainin mo ako nang buong-buo!”

Ang naturang bagets ay may sakit na “narcissism” o ang labis na pagmamahal sa sarili.

Ang clue? Basahing mabuti ang situwasyon.

INAMIN AGAD NI Zanjoe Marudo na yes, nag-Hong Kong nga sila ni Mariel Rodriguez. Actually, namili sila sa Hong Kong ng mga panindang damit ni Mariel sa bazaar na sasalihan nito.

[ad#post-ad-box]

So, ibig sabihin, very much on pa rin silang dalawa at hindi totoong split na ang kumare at kumpare naming ito.

Talagang feeling close kami, o!

PUMASYAL KAMI SA taping ng Banana Split nu’ng Tuesday kung saan absent daw si Pokwang, nasa Europe tour kasama ang Heartthrobs na sina Piolo Pascual at Papa Sam Milby plus John Lloyd Cruz.

“Wala rin si RR (Enriquez, ng Wowowee), me sakit. Si Angelica Panganiban naman, nagpaalam. Birthday niya kasi,” sey ni John Prats.

“Ako, sa totoo lang,” sey pa ni Pratty, “lagi akong excited ‘pag me taping kami nitong Banana Split. Kahit inaabot ito nang 4 or 5 A.M. kinabukasan, okay lang sa akin, kasi, buti nga, studio kami, eh. Me aircon. Suwerte na rin kami.”

Ah, siguro, ang tinutukoy ng lolo n’yo, eh, ‘yung mga teleserye, on location. Walang aircon, naka-tent lang na may aircon. Pero sila, nasa istudyo lang at sobrang lamig nga naman du’n.

Kami naman sa May Bukas Pa, oo nga, umaasa lang kami sa dressing room naming may aircon. Pero sabi nga, pagkainit-init man ng panahon, choosy ka pa ba? At least, me work ka, ‘di ba?

‘Yung iba nga, laging naka-aircon, pero lagi lang nasa bahay. Jobless.

TINANONG NAMIN SI Jayson Gainza, pero ipinasa niya kami sa kanyang driver na siyang nagkumpirmang si Nadine Samonte nga ang kaharap nilang nakaupo sa kaha ng isang convenient store sa may gasoline station nu’ng kasagsagan ng bagyong Ondoy at uhaw na uhaw ang binahang si Jayson.

“Kami ni Jayson, nasa harap na niya, bumibili kami ng mineral water, ayaw niya kaming pansinin. Panay pa ang text niya. Eh, siya ang nakaupo sa kaha, siyempre, iisipin namin, sila ang may-ari, ‘di ba?

“Pero hayaan n’yo na po ‘yon. Mahirap kalaban ‘pag babae. Mami-misinterpret lang na parang kami pang mga lalaki ang nakikipag-away sa babae. Nakaka-turn-off lang. Magandang babae pa naman, namimili lang ng kausap at bebentahan!”

Me gano’n?

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

22 thoughts on “Young Actor-TV host, mahilig magpakain nang buong-buo! – Ogie Diaz

  1. Di nya kilala si Jayson dahil PANGIT lol! Sobrnag Pangit kung si Angel Locsin sana kase Anak ng Katulong

  2. ogie, nagsara na ba ang pinoy parazzi dahil wala na kayong bagong issue. last update ninyo ay nuon pang Nov. 5, baket?

  3. mga kapuso, sige magbulag-bulagan kayo, kitang kita naman sa hitsura ni nadine ang pagka-antipatika nito! kaya nga sya ginawang panakip sa butas!

  4. wala, gimik lang yan ni nadine the “queen of second choice starlet” bwahahaha… kailangan sa promo nang nalalagas na tinik sa dibdib! SINIRA NYO ANG MASTERPIECE NANG NAG IISANG SUPERSTAR NORA AUNOR! wala talagang magawang matino ang gma na remake!

  5. ano ba problema ng jason na to, siguro ang sama ng loob nya kasi hindi sya pinansin ni nadine dahil hindi sya pogi, yun lang yun, sa ganda ni nadine nabighani siya kaso hindi napasin kaya nagpuputok ang butse, ano ba? kalalaking tao T.O. ang mga ganitong klaseng lalake.

  6. pano ka nga pagbebentahan hindi naman sya may-ari at tindera ng store.Hindi porket nandon at nakaupo sa counter eh sya na ang may ari. Nandon lang sya kasi nga stranded sila ng mama nya.Ang for your info wlang driver si Nadine sya mismo ang nag-drive.

  7. si Jayson buking na nagsisinungaling,mismong yong sales girl nagsabi na nakabili sya ng tubig at sigarilyo.At bat si Nadine ang sisisihin mo hindi naman sya ang may ari ng store.Convinience store yan ng shell gas station.Don pa lang buking na sya kasi pinagsasabi nya si Nadine ang may ari ng store.Akala mo kung sino ang lalaking ito.Kapal ng pagmumukha mo.Pareho lang kayo ni Ogie Diaz na pangit.

  8. da who

    kung napadaan lang xa, bat xa nakaupo sa kahera? at haller? sinabi ni nadine na yung tauhan nya ang nagsabi na pumunta c jayson sa store nya… pero sabi nya d nya pag mamay-ari ang store.. sinabi nya pa na tinataas nila ang mga paninda para di mabasa ang mga ito… anong masasabi mo nyan? salesgirl lang xa ng store para maupo sa kahera at itaas ang paninda pra di mabasa?…. like ko c nadine pero kay jayson ako kampi sa isyung ito..

    • ano ba kase problema ng jayson na to at dakdak ng dakdak?

      una, may-ari at saleslady lang pala ang pwede magbuhat ng mga paninda kahit itoy lulubog na sa baha! ibang klase ka rin, kung ikaw cguro ang nandun, malamang nakatitig ka lang sa mga tao dun…

      2nd, tauhan nya… kase pinapuntahan nya ng tao nya ung tindahan para tanungin sila run kung talagang andun si..sino nga ba un…. ah…si jayson pala. kailangan matuto kang magbasa at umintindi ng salaysay ha? di ung pipik-upin mo lang ung gusto mo.

      3rd, nakabili naman pala ng yosi itong jayson na to, di nakabili ng tubig?

      4th, ano ba pinagpuputok ng butse nya? dahil di sya napapansin? baka naman di talaga sya pansinin? LOLs!

      • bat ngayon lang dumadakdak si nadine? matagal na yan di ba? pansariling promo nya?! nasabi na ni jayson and dapat nyang sabihin, at least napakita nya kung anong klaseng pagkatao ni nadine! tsk tsk tsk. kesyo hindi sa kanya ang store, that should not be her instinct. bumabagyo na nga at bumabaha, deadma ka lang… eh kung sa kanya kaya nangyari yon?

  9. “nakaupo sa kaha si nadine”, yan ang statement ni jayson at ng driver nya kaya mapagkakamalan na siya ang kahera. eh kng nkaupo ka sa kaha malamang eh kahera ka di ba?
    at kahit hndi sya ang kahera, gayong me bumibili eh dapat tinawag nya ung totoong kahera ng sa gayon eh kumita ung store. simple logic.
    kaso, lumalaki ang isyu para pagusapan lang ang babaeng e2.

  10. Si Kian Kazemi…di naman yun sikat…pero actor – TV host cya…Host sya ng Trip na Trip

    Pero ayoko sa kanya! Masyado mayabang, grabe pa kung makapag pasikat ng katawan!

    Pinapatay ko kaagad ang TV pag nakikita ko sya!

  11. kulit ni jayson di nga siya kilala ni nadine. at di si nadine ang may-ari ng store napadaan lang sila ng mom niya sabay pasok sa store dahil bumaha ang daan sa labas.

    • all she has to do is acknowledge, tinatanong lang naman sya. ke kilala nya or hindi, is that the right thing to do? bumabaha na nga and everything tapos deadma lang sya? who the hell is she anyway?

Leave a Reply

Your email address will not be published.