Young actor, tinanggal sa show dahil hindi magaling kumanta!

OLA CHIKKA! ARAW ng Lunes at malamang ay maraming mamamayan ang nakararanas ng sobrang traffic. Isang dahilan na marahil dito ang napakaraming sasakyan na naglalabasan at ganu’n lang kadali na niri-release.

At speaking of sasakyan, usong-uso na rin sa showbiz industry ang pagreregalo ng mga sasakyan at take note, ha?! Hindi lang basta mumurahin na mga sasakyan, kundi mga bonggang-bongga!

Una na rito ang pagregalo ng Asia’s Songbird na si Regine sa kanyang boyfriend na si Ogie Alcasid ng BMW series 7 na milyon-milyon ang halaga. Dahil normal lang naman sa mag-jowang ito ang magbigayan ng regalo kahit walang okasyon ay siyempre iba pa rin ang isang luxury car.

Ayon naman sa Songbird, recently kasi ay medyo busy siya kaya hindi niya masyadong naalagaan ang kanyang boyfriend. Taray! Kahit bading ako ay kung ganyang naman ang magiging girflfriend ko ay go na go na rin. Ha-ha! Joke!

SUMUNOD DITO AY itong pagkagulat ni Pokwang nang matanggap niya ang “unexpected gift” mula sa first sister na si Kris Aquino. Bago lumipad papuntang Florida si Kris upang magbakasyon, iniregalo niya ang kanyang customized mini-bus kay Pokwang.  Tuwang-tuwa naman ang komedyante dahil sa dinami-raming paraan upang magkaroon siya ng ganu’ng sasakyan, nanggaling pa ito kay Tetay. Bongga, ‘di ba!

Hindi naman na dapat ikagulat kung may matanggap man siyang mga blessings dahil sa buti ng kanyang kalooban ay karapat-dapat lamang siyang mabiyayaan.

Baka nga kapag humiling pa siya ng house and lot kay Kris ay agad siyang bigyan. Dahil nga sa bonggang suporta niya kay P-Noy noong nakaraang kampanya ay maliit lang ang pink mini-bus na iyon.

PANGATLO AY ITONG pagkakaroon ng BMW 2008 ni Zanjoe noong Marso lang yata. Iba’t ibang chikka ang naglabasan na mula raw ito sa isang bading. Ngunit ayon naman sa actor, pinag-ipunan niya ito at nag-loan siya sa banko para sa kulang na pera. Kunsabagay, may naipon naman na itong si Zanjoe kaya hindi malabong nakabili siya, ‘di ba?

BONGGANG-BONGGA NAMANG MAGMAHAL at mahalin ang mga taga-showbiz dahil sa pagreregalo nila ng sasakyan ay parang candy na lamang na ipinamimigay. Ha-ha!

Kaya lumalala ang trapiko dahil sa dami ng sasakyan. At teka! Speaking of traffic, sana naman ay lagyan na rin ng coding itong mga bus dahil public vehicle din ito at unfair naman para sa mga taxi. Nararapat lamang ‘yun upang kahit papaano ay mabawasan ang problema natin sa traffic. Pak!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong young actor na kaya raw tsinugi sa isang show ay dahil hindi raw magaling kumanta? Hindi ‘yung literal na pagkanta hawak ang mikropono kundi… alam n’yo na!

May potential pa naman ang batang ito ngunit dahil sa kanyang kapatid kaya nasira ang career. Noon pa isyu iyan

ngunit hanggang ngayon ay itong kapatid niya ang ginawang dahilan kaya raw tinanggal sa show. Ngunit ang totoo raw ay kapag pinakakanta privately ‘yung young actor, hindi naliligayahan itong matandang kabayong main host ng show na

kinabibilangan ni young actor kaya ayon ligwak na!

Sino itong young actor na ito? Hay, naku! Sa dami ng mga clue na ibinigay ko na, imposibleng hindi n’yo mahulaan ito. ‘Yun na!

At nais ko po kayong imbitahang makinig sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 A.M. to 12:NN. Makigulo sa amin kasama ang aking mga anak na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 P.M. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

16 thoughts on “Young actor, tinanggal sa show dahil hindi magaling kumanta!

  1. see: BABALIK SI YABANg???@#$%^&*@#!!!!!?????!
    Beware ABS CBN, isang Certified Jinx si Willie, like si Villar, Roxas, kahit si Rico Puno natalo sa eleksiyon dahil sa kanya, in millions talent fee ni Yabang sa mga taong to, and who can forget Stampede Tragedy, etc. etc….
    79,500 petisyoner na galit kay Willie Revillame, ang counting high: http://www.petitiononline.com/mod_perl/signed.cgi?badwilly

  2. Sobrang ganid ang ABS-CBN mgnt kapag ibinalik uli ninyo si HAMBOG WILLIE REVILLAME. At sana DELICADEZA na lang dahil si CORY AQUINO (RIP) ang nagsauli ng ABS-CBN sa mga LOPEZ kaya may utang na loob ang mga LOPEZ sa FAMILIA AQUINO, tapos yang HUDAS na si WILLIE REVILLAME ay kinalaban pa si KRIS at binastos pa si CORY nung funeral cortege nya. At hindi lang yon, patay-na-patay sa pag-endorse si WILLIE CHEATER (doble-cara 2/0) kay MANNY VILLARROYO last election. Mahiya naman kayo mga LOPEZ noh, hindi maibibigay sa inyo ni WILLIE ang utang-na-loob ninyo sa mga AQUINO. Tandaan nyo yan!!!
    see: Ang daming galit kay Hambog —-
    http://www.petitiononline.com/mod_perl/signed.cgi?badwilly&1

  3. kay PIOLING, tama! kay PIOLO PASCUAL galing ang bagong car ni zanjoe. yun ang dahilan ng pag aaway nila ni mariel which led to the break up. taray ng powers ni pioling, talbog c mariel! hahaha

  4. Ganon…???.. Agreed ako diyan, i know Zanjo “LONG” time ago.HA HA HAba ha HA HAba talaga .kaloka ka.

  5. Super Guapo talaga ni Zanjo Marudo,
    (actually crush ko siya).. see the pic, lalaking lalaki tindig niya.at sus ko ang galing ng abs niya, the best..parang nililok katawan. Walking Tall pa, at SHOCKING GRABE DAW ANG ASSET NIYA, kaya alaga din ni Ben Chan. unlike me unano, sakang pa at badoy pa. Si Mariel, pinatulan na si oldy Robin, Iniwan ni Zanjo dahil laging inaaway, nagger daw at sobra selosa kasi. Pero alam ko, 100%.. si Zanjo pa rin nasa utak niya 24/7. so sure of that….

  6. d po ba nasa survivor celebrity editionc hero kaya nwala xa sa walang tulugan?hinahanap nga po xa ni kuya germs dahil hindi ito nagpaalam kasi hindi pwedeng sabihin nila ito sa ibang tao kaya lng po may nagtweet na isang babaeng kasama din sa reality show na to kaya nalaman ng iba kng sino2x ang mga kasama.naku tita swarding, masama po ang gumagawa ng kwento para may maisulat lng.

  7. Ibig sabihin, mas magaling si Jhake Vargas na pagka bata bata pa at halos apo na ni Lolo Walang Tulog kesa ke Hero Angeles?

    Patawarin nawa itong si Lolo at halos nasa hukay na ay nagsasamantala pa ng mga taong kumakapit sa patalim.Baka multuhin ka ni Ike Lozada niyan huh!!!

    • Asus! wala naman pumipigil sa kanila na lumipat kahit saan network kahit pa sa timbuktu, nananakot pa sila.

      • ako nga bwisit na rin kay willie pero hindi ko nai-cancel ang TFC ko basta hindi ko na lang pinapanood ang wowowee. Para kang nagtampo sa bigas…. lol!

Leave a Reply

Your email address will not be published.