YOUNG ACTOR, SUPER DENY SA RELASYON KAY YOUNG GAY TV HOST

NAKAKALOKA NAMAN ANG drama ng young actor na mula sa isang artista search. Everytime kasi na natatanong ito tungkol sa kanyang relasyon sa isang magaling at mabait na young gay host, super denay ito at panay ang press release na magkaibigan lang sila.

Pero ang mismong malapit sa gay host ang nagpapatunay na may relasyon ang dalawa. Sa katunayan, ‘Beh’ as in baby, ang tawag ng young actor kay gay host.

Sey pa ng aming source, “Huwag nga siyang makadenay-denay d’yan! Kung ilang beses na ngang may nangyari sa kanila ng friend naming. At saksi kami do’n, ‘noh! Tapos padenay-denay pa siya, huh!”

Dagdag pa ng aming kausap, ang young actor pa raw ang nagti-text sa kaibigan nilang host at nagtatanong ng mga lakad nito. Kapag wala raw itong lakad ay pumupunta sa kanilang place ang super deny na young actor.

(John Fontanilla)

loading...

11 thoughts on “YOUNG ACTOR, SUPER DENY SA RELASYON KAY YOUNG GAY TV HOST

Leave a Reply

Your email address will not be published.