Young actor-singer, feeling big star sa isang event!

 

‘DI PA man gaanong sumisikat ay super duper feeling big star na ang isang young actor na mukhang tomboy na galing sa isang singing search. Tsika nga ng aming source na minsang makasama raw ng mga ito ang nasabing singer/actor sa isang party, kung saan pare-pareho silang naimbitahan ay super deadma raw ito sa mga taong naroroon na naka-chin-up na animo’y sikat na sikat.

Ni hindi man lamang daw ito ngumiti sa mga taong ngumingiti sa kanya at hindi nambabati ng mga bumabati sa kanya, na animo’y nagte-tengang-kawali at walang narinig. To the height pa raw ang kaartehan nito na ayaw na may kasama sa dressing room, na gusto yata ay siya lang at mga kapwa niya kasamahan sa isang malaking TV network ang gusto niyang makasama, nagkataon daw kasing may ibang mga artista na naroroon.

Kaya naman daw ang ending, umalis ito at ‘di na nag-stay sa dressing room at nanatili na lang sa kanilang sasakyan, daig pa nga raw ito ng kanyang kasamahang young actor na ‘di hamak na mas sikat sa kanya, pero marunong ngumiti at bumati sa mga taong bumabati sa kanya.

(By John Fontanilla)

 

 

loading...

13 thoughts on “Young actor-singer, feeling big star sa isang event!

Leave a Reply

Your email address will not be published.