Young actor, nagwala sa airport

SEPTEMBER 26 PA nangyari ang bagyong Ondoy, hanggang ngayon, ang karamihan sa mga kababayan natin, kung hindi naglilinis-nag-aayos ng nasalantang tinitirhan, eh, binura ni Ondoy ang tirahan.

Grabe ang pinsalang iniregalo ng bagyong ‘yan sa atin. Maging ang bagyong Pepeng ay OA rin ang hagupit sa ilang lalawigan.

Nakatutuwa na sa mga ganitong pagkakataon ay lutang na lutang ang bayanihan spirit sa ating mga Pinoy.  Siguro nga, ‘yun ang mensahe ni Bro sa ating lahat.

Na hindi lang sa kalamidad masubok ang ating pakikipagkapwa-tao.  Maging sa pang-araw-araw na buhay, dapat, marunong tayong tumulong sa mga nangangailangan.

At maraming salamat sa mga “bayani.”

[ad#post-ad-box]

GAANO KAYA KATOTOO ito?  Na nu’ng Biyernes sa NAIA Terminal 3 ay may insidenteng naganap sa pagitan ng ilang staff ng Cebu Pacific at ng isang young actor na patungo sana ng Bangkok bandang 8 P.M.

Nagwala raw ang young actor dahil hindi sila pinapasok sa eroplano, bagkus pinagsarhan pa ng tube getting ready for take-off.

Ang punto ng young actor, ba’t sila pinagsarhan ng kasama niyang babae (isang non-showbiz na sobrang ganda raw at mukhang ramp model pa) ng tube, eh, hawak nila ang boarding pass nilang dalawa?

Ang katwiran ng young actor, ba’t hindi sila hinintay?  At doon na sila nagtalu-talo.  Sa sobrang buwisit at inis ng young actor, sa harap ng mga staff,  pinunit niya’t dinuraan niya ang boarding pass nila ng kanyang kasama.

Nakakalokah ang insidenteng ‘yon.  Tinanong nga namin ang aming source kung yung young actor nga ‘yon o baka kamukha lang, “Hindi puwedeng magkamali ang pinsan ko, Gie, siya nga ‘yon!”

Anyway, tingnan natin kung lulutang ang pangalan ng young actor na ‘to.  Kung ito man ang young actor at “nag-newsblackout” bigla, ibig sabihin, baka itanong nga naman ng press kung sino ang kasama niyang babae.

Pero abangan natin ang susunod na kabanata.

SA ISANG DIYARYO ay lumabas na anong klaseng konsehal si Aiko Melendez sa District 2 ng Quezon City, ni hindi man lang sumasaklolo sa ilang barangay na nasalanta ng bagyong Ondoy.

For the information ng taong ito, eh, hindi naman nagbubutas ng bangko si Aiko.  Katunayan, ang una niyang pinuntahan para hatiran ng tulong ay ang Bgy. Silangan kung saan siya pa ang nagbalita sa amin na nakahilera doon ang mga kabaong na namatay sa pagkakalunod.

Maging sa Brgy. Baesa, Gulod at North Fairview ay nagtungo rin si Aiko para mamahagi ng relief goods.  Tuwang-tuwa pa nga niyang ibinalita sa amin na meron siyang natanggap na donation na medicine worth 100 thousand pesos na hahati-hatiin niya sa kanyang distrito.

“Mother, bago pa lumabas ang item na ‘yan, ako mismo, nanawagan sa radio program mo na tulungan ang mga kadistrito ko, lalo na sa Brgy. Silangan, so feeling ko, meron lang grupo na naninira sa akin!

“Araw at gabi, ikot ako nang ikot sa district ko para alamin ang kalagayan at tulungan ang mga constituents ko.  Sa Brgy. Baesa nga, kahit konting yero, ibinaba ko du’n, para kahit paano, kahit unti-unti, makapagsimula sila ng bagong buhay.”

Hay, naku, Aiko, kesa intindihin mo sila, eh, mas ituloy mo na lang ang pag-iikot at pagbabahagi ng tulong sa iyong kapwa.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station, 11-12nn.  At maririnig din sa www.dwiz882.com.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

27 thoughts on “Young actor, nagwala sa airport

  1. pa-comment lang dito sa article about aiko melendez ha!
    napanood ko sa snn yung portion nya na tumutlong “kuno” sa mga biktima sa area nila…take note ha isang kilong bigas at isang bote ng mineral water na may sticker na “aiko melendez” ang pinamimigay nya! GRABE!!! talagang pinamumukha pa nya yung tulong nya, nakakahiya!!! kaya siguro natagalan yung kakarampot nyang tulong e dahil nagpa-imprenta pa ng sticker ng pangalan nya para idikit sa bote ng mineral water, inuna pa talaga ang pangangampanya…tsk tsk tsk!

  2. Saisang website he is already named, siya si the short-tempered Richard Gutierrez with the love of his life Jewel Mische. Nothing is surprising about this incident ang dami niya ng case showing his being hot-tempered nakalimutan niya yata ang pagbehave sa public na lugar.

  3. wag muna taung mag comment agad ng msama
    wala p ung side ni chard…ang nbasa ko sa pep nandon nmn cla mrsami lng daw nagpa2picture kya nlate ata ng 5mins. lng
    sana rin nging considerate nmn din ang cp kc nga
    nkpag check-in nmn na cla dba…ano b ung few mins. late
    sa abala nila pagcla nmn ang nagka2prblema.

  4. MAGPAKITA NG PRUWEBA AT NG HINDE HAKA HAKA KUNG TUNAY AT MAY GANYANG INSIDENTE OK ISIP …ISIP AY GAMITIN

  5. SUS LAGING NMANG ME ADVISE ANG MGA AIRLINES AT TRAVEL AGENCY NA 4 HOURS B4 DEPARTURE DPAT DUN KNA SA AIRPORT IN-FAIRNESS TO RICHARD NMAN ARTISTA KC SIYA KAHIT SINO NMANG MAIWAN NG EROPLANO SAME REACTION DIN CGURO MALI LANG HE’S A FAMOUS PUBLIC FIGURE AND ACTED THAT WAY..

  6. hhahaha puputok nanamn si bisaya nito sa bastos nyang anak. im a crew pag nagcloe na ang gate ready for departure na yan ahaha tanga kase d alam ano ang departure

  7. bakit sa kay ogie ang kasama ni young actor ay non-showbiz na ramp model, pero sa PEP ang nakasulat ay si richard at si jewel. magkaiba sila ng script.

  8. don, if they were already late in checking-in, dapat doon palang di na sila binigyan ng boarding pass. pero if they were not late in checking in and they just roam around the airport yan siguro kasalanan nila.

  9. Naku hindo porke’t nag rescue rescue tsoo tsoo siya bigla nalang siyan may-ari ng eroplano at dapat siyang hintayin?! Ano siya? Special treatment?Hindi naghihintay ang eroplano ke super yaman mo noh RG?Bumili ka ng sarili mong jet tulad ni Willie R. Oh by the way, bakit puwedeng umalis si RG di ba nakapatay siya ng tao? Wala ba jan ang HOLD DEPARTURE ng B.I.? Or watch list man lang? Si Vicki Belo pinahirapan nila, si RG hindi? Whaaaaaat?! Dapat kay RG putulan ng Licensiya at Pasaporte!

  10. ni hao- i doubt na hihintayin sila ng piloto. ang piloto hindi maghihintay yan lalo n kung isa lng. mas malaki gastos ng delay per minute kysa sa isang pasahero lng. besides kung tlgang ma dedelay yan di natlga hihintayin kya nga may boarding time e.

    • It’s a case to case basis; like i said, nagtrabaho ako sa domestic airline (years ago) at ginawa na rin yan ng aming piloto. I know coz i was one of his flight crews. No one knew why the captain did that, but one thing for sure, he let that passenger boarded the plane. Cguro, naswertihan lang niya na mabait ang piloto.

      • nakapagwork ako for an International Airline. usually hindi maghihintay ang piloto lalo na at may sinusunod na sched lalo na pag may connecting flight pa ung arplane.. kaya nga we always advised na maaga sila sa check in.. arogante lang talaga yang si Retsard.

  11. gee- just to let you know. having a boarding pass doesn’t mean sure na makakasakay ka. kc kung late ka naman dumating sa gate e wala rin. malamang hindi sila pumunta agad dun dahil feeling celebrity masyado kaya ng pa late kala nila hihintayin pa sila.

  12. dapat talaga ninyan, sa di nalang nila binigyan ng boarding pass. if they did give them boarding pass dapat siguro pinasakay nalang. its wrong of them din na late na nga sila pa ang galit. hahay talaga mga pinoy na sa isisp nila na they can do anything kasi celeb. sa usa kaya nila gawin yan baka kulong na

    • maaring hinintay sila ng piloto at inakala na hindi na sila makakarating kung kaya inutos na isara na ang pinto ng eroplano. pwede rin na sobrang delayed na ang flight kaya kailangan na nilang makalipad. Alam ko ang airline procedure dahil dati akong nagtrabaho sa airline.

  13. ogie,paki usap naman..pki suggest naman sa management ng ABS cBN na kung pwede awas bawasan ang exposure ni MARIEL RODRIGUEZ..at BIANCA GONZALEs..sobrang NAKAKASAWA NA mga mukha nila!!!!nakakadiri nah panoorin cla!!ANG dami namang stars ng ABS bat,kailangan cla lageh ni M.R and B.G????heloowwwwwwwww!!!!!ang pangit pangit kaya ng mga pgmumukha nila lalo na etong c BIANCA ….PG KA ITIM2X AT KUNG WALANG MAKE UP AY MAPAGKAMALAN NA katulong!!!!!!!!!!!! PLEASE LANG…DAHIL NASUSUKA NA KAMI LAHAT SA PAGMUMUKHA NILA MARIEL AND BIANCA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

      • I agree, sobrang arte ni Mariel, overexposed na ito! She is not cute and she does’nt entertain. Karindi ang voice pa sa kaartehan, Sapagbigyan ng ABS ang ibang talents. Marami namang mas magaling diyan at mas personable pa.

  14. Medyo mahina yata si Aiko sa fund raising. Kung walang funds, walang maitutulong. Meron bang emergency funds ang district niya?

  15. huli talaga sa valita ang baklang hunyango na itetch!! naunahan ka ng PEP! noh!! kaloka ang baklang itetch!

    vwahahahaha!!!
    vwahahahaha!!!
    vwahahahaha!!!
    vwahahahaha!!!
    vwahahahaha!!!

    kapuso:goldmemvah

  16. Richard Gutierrez. However, the companion, according to another tabloid, is not a ramp model. The companion is Jewel Mische. Ogie, you may need to do another research.

Leave a Reply

Your email address will not be published.