Young actor, muhing-muhi sa amang mahusay na dramatic actor!

BLIND ITEM: GRABE pala ang “pagkamuhi” ng young actor na ito sa kanyang ama ring aktor, na isang mahusay at award-winning dramatic actor. Produkto nga kasi ito ng matinding training noong araw ng isang legendary at mutli-awarded film director na nilisan na tayo.

Sa personal interviews sa guwapo at sensitibo ring young actor, kundi man ito masyadong makuwento tungkol sa amang aktor, eh “play safe” ito sa kanyang mga pahayag. Malamang eh, dahil ayaw nitong mabuko ang tunay niyang damdamin laban sa kanyang tatay.

Ang totoo pala’y ilang taon na ang lumipas nang iwan ng amang aktor ang pamilya niya – kasama na rito ang kanyang anak na aktor na noo’y nagsisimula pa lang pumalaot sa showbiz.

Ito ay dahil mas pinili ng amang aktor ang isa pang babae, at iniwan ang kanyang mga anak at asawa, na ina ng young actor. Taga-Quezon City si bagets, somewhere in the East (ng Metro Manila) naman ang ama, kasama na ang bagong kinakasama.

Hindi lang sure ang aming source kung naanakan na ng amang aktor ang bagong babae sa buhay nito.

Ayun at “nagrebelde” si young actor, sa matinding galit sa ama: Nagpa-tattoo ito sa ilang parts ng katawan niya, na ayaw na ayaw ng ama na gawin niya (noong okey pa sila), nagyoyosi, at umiinom, bukod pa iba pang bisyo na ikinatambling namin!

‘Eto na. Isang pelikula ang ginawa ng young actor recently. Alam ng young actor na na-cast ang ama niyang aktor sa same film. Okey naman sa kanya dahil trabaho nga ito, pero ang hindi niya alam ay makakasama niya sa iisang shooting day ang ama, on the same location!

Since sa script eh, wala namang eksena together ang mag-amang artista (iba ang “anak” nito sa cast), caught unaware si young actor na darating ang ama sa set na tunay namang ikinatensiyon ng buong production, dahil galit na galit ang young actor!

Ayun at halos sumabog sa galit si young actor at talagang hindi ito lumapit sa ama, para bumati man lang. Pero ayaw nitong ipahalata sa lahat ng crew, kaya natulog ito sa kanyang kotse sa labas ng set.

Ang nakakaloka, ang isa sa crew na walang alam ay ginising si young actor upang magpakuha ng litrato sa buong cast, with his father actor! Laking buwisit nito, walang magawa kundi sumunod na lang upang wala nang isyu o aberya on the set.

Not in good terms ang mag-ama, we just found out. Parang two years ago pa silang huling nagkita o nag-usap, at sa ngayon ay mukhang wala pang balak makipag-ayos ang anak sa ama.

Sinasabi pa man din sa showbiz na ang anak ang susunod sa yapak ng galing at husay ng ama sa larangan ng pagganap. Maaaring matindi pa ang sugat sa puso ng anak sa ginawa ng amang aktor sa kanila, pero sana’y balang araw ay magkapatawaran rin sila.

‘Yun na!

EXPIRED NA PALA ang ASAP XV contract ng singer na si Ronnie Liang noong pang February 2010, pero existing pa ang Star Magic management contract nito, at tatakbo pa ito ng two months ngayong taon, kaya open pa itong mag-guest sa ABS-CBN shows.

Ayon sa co-manager ni Ronnie na si George Roca (who’s been there sa likod ng career ni Ronnie from the start), nagpaalam naman daw sila nang maayos sa Star Magic and since may offer ang GMA kay Ronnie, kinukunsider nila ito.

From a being an exclusive co-host/ performer ng ASAP XV ng Dos, balik-Siyete na si Ronnie dahil kumpirmado na ang pag-guest nito sa Kapuso shows, starting this Sunday sa Party Pilipinas at iba pang GMA shows.

Say pa rin ni George, wala pang nagaganap na contract signing with GMA dahil inaayos pa ito. Malamang nagiging maingat rin si George this time dahil tila hindi naman naalagaan ng Siyete noon si Ronnie, dahilan para sumubok sila ng kanilang ibang suwerte sa Pinoy Dream Academy ng Dos, at nagtagumpay naman.

Pero matatandaang some years back, originally ay produkto ng GMA si Ronnie nang mag-join ito sa Pinoy Pop Superstar kung saan ka-batch nito ang grand winner na si Gerald Santos.

Kaso, sa Dos talaga nakilala at namayagpag si Ronnie Liang, with a hit in his Ngiti song mula sa Star Records.

Well, nagbabalik-Kapuso lang si Ronnie, at sobrang laki ng utang na loob nito at pasasalamat sa ABS-CBN na tunay na nag-aruga sa kanya noon, noong panahong dine-deadma siya ng Siyete. Talbog!

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Previous articlePremiere Shots: Ang Pag-ibig Nga Naman… (Christian Bautista)
Next articleGuesswhodoes: Ryza Cenon does the ‘Flying Hair’

No posts to display