Young actor, gustong ipalaglag ang 5 buwang ipinagbubuntis ng non-showbiz gf!

MAY NAGTANONG SA amin. Ba’t daw ‘di pa namin pinangalanan na si Roxanne Guinoo ang tinutukoy namin sa aming blind item dito sa Parazzi na young actress na two months pregnant na?

“Eh, ‘di sana, super scoop ka!”

Hahaha! Juice ko, sa 22 years namin sa business na ‘to, parang ngayon pa ba kami makikipagkarerahan ng scoop? Hindi na.

Ang importante, kahit blind item lang ‘yon, eh, inamin ni Roxanne na siya ay buntis na sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Pero sana, ayos na rin ang mommy at magiging biyenan niya, ha?

‘Yun ang aming wish.

BLIND ITEM: MERON namang isang young actor. Nakabuntis din. Actually, 5 months nang pregnant ang non-showbiz girl. Nanghihingi lang ng perang pang-pre-natal check-up sa lalake ‘yong girl, alam n’yo ba ang sabi sa kanya?

“Ba’t hindi mo pa kasi ipalaglag ‘yan?”

Salbaheng lalaki. Kaya hindi na kami nagtataka kumbakit walang nangyayari sa kanyang career. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya marunong umarte at ang balita nga namin, “bumu-booking” na lang sa mga bading. For how much? Ay, wala na raw 10k. Kung sino ito? Itanong n’yo sa humahataw sa floor.

BLIND ITEM: MERON namang isang aktres. Nagbuntis na’t nakapanganak na. Alam ‘yan ng mga taga-showbiz. Pero ba’t parang hindi nababalita? News blackout ba?

Oh, well… may nakausap kami. Gusto nang lumantad nu’ng girl. Gusto na niyang aminin sa publiko ang kanyang pagiging ina, ngunit may umaawat lang sa kanya.

Kung ano o sino ‘yon? Oh, well, intindihin na lamang natin.

Pero kung kami sa girl, she should be proud of her kid. Ginawa niya, panindigan niya. Kung career ang iniisip niya, ang mga tao, madaling makaunawa ‘yan. Aminin mo lang sa publiko, matatanggap ka na nila.

Saka ang dami nang may alam na nanay na siya. kaya kung kami sa kanya, since marunong naman siyang umarte, eh, tumanggap na lang siya ng mga mommy roles. Keri lang ‘yan.

Basta ang importante, ‘wag niyang itago ang kanyang anak. Ipagmalaki niyang siya’y biniyayaan ni Lord ng isang bonggang-bonggang blessing.

SINCE WE’RE A Belo baby, hinihikayat na rin kami ni Doc Vicki Belo na magpa-Belo Shape sa kanya. Juice ko, eh, syokot na syokot kami sa ganyan, kaya hayaan n’yo na.

Hindi naman kami sexy actor. Basta ang importante, wala kaming bisyo like yosi, inom ng alak o sugal at nakakatulog kami ng 7 hours.

Sina Jennylyn Mercado at Valerie Concepcion ang mga tinaguriang “Hot Mommas” dahil at an early age, naging madir na sila, pero ang Belo sa kanilang NovaShape ay napapanatili nilang para silang mga walang anak at dalaga pa rin.

Anyway, kami naman, ang importante, eh, sa Belo kuminis ang mukha namin. At ‘yan ang aming ipagmamalaki, promise.

With matching promise daw, o!

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!’ sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn kasama sina Ms. F, Eric Borromeo at Rommel Placente.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

14 thoughts on “Young actor, gustong ipalaglag ang 5 buwang ipinagbubuntis ng non-showbiz gf!

  1. Sabi ni Ogie sa radio DWIZ, pag binaligtad ang initial makilala mo agad kahit sinong tao ID as in identification card. Pag yung talagang initial naman ng young actor ang clue ay humahataw sa floor as in DI, Dance Instructor. The clues definitely point to Dion Ignacio. Another clue pa daw kasama sa original batch ng isang artista search. He came from Batch 1 of starstruck.

    • Gan’on? Kaya naman pala walang nakahula kaagad kasi da who. lol

  2. humahataw sa floor? edi D.I.

    diba si dion ignacio hindi marunong umarte? at na-blind item na rin na gusto na raw niya lumipat sa tv5 kasi walang nangyayari sa career niya sa GMA?

  3. anong humahatow sa floor? hoy di si ejay falcon ito.

    hataw ang career ni ej ngayon. while bongga si ejay walang nangyari sa career ng payborit ni ogre na si robi. wahahah!

  4. hay naku hanggang ngayon bitter pa rin tong si Ogie dahil sa pagkatalo ng chinuchupa niyang si Robi Domingo kung kaya’t mega paninira pa rin ang ginagawa niya kay Ejay Falcon. Nagkasakit na naman ba ang kapatid mo Ogie at namamalimos ka naman ng free consultation sa tatay ni Robi?

    Kung akting lang rin ang pag-yysapan mas may K naman tong si Ejay kesa sa tuod mong anak anakan na si Robi.

  5. si ejay yun ayaw kasi ng bading na producer sa abs..baka mabuking at mawalan ang career ng alaga ni bading

  6. bali balita na may anak si ejay..so while im reading this BI..i thought its him pero nung humahataw sa dancefloor..hindi na xa..baka si mark heras…

  7. Ejay Falcon? Ano’ng humahataw sa floor? DJ? Sino may initials na ganu’n?

Leave a Reply

Your email address will not be published.