Young actor, ‘di matagalan ng mga naging dyowa dahil sa pambubugbog! – Alex Brosas

PAINIT NANG PAINIT ang tsismis kina Manny Pacquiao at Krista Ranillo.

Kung anu-ano na ang lumalabas na tsika. Maging sa internet ay lumalaki na ang issue at nagsalita na rin ang ilang malalapit na kamag-anak at kaibigan ng dalawa.

Sa isang interview, sinabi ng kaibigan nina Mat Ranillo III na wala sa karakter ni Krista ang papatol sa lalaking may asawa.

May lumabas ding video sa internet na nakunan si Manny driving his sports car at may kasamang babae na tinakpan ang mukha para hindi makilala. People believed that it was Krista that he was with.

Pinagpiyestahan din ang video ni Krista habang pababa ng van sa Baguio kung saan within close distance lang sila ni Manny.

Ang huling nasagap naming balita, nagkaroon daw ng confrontation sina Jinkee Pacquaio at si Krista sa Las Vegas one day before Manny’s fight with Miguel Cotto. Hindi raw naibigan ni Jinkee ang mga isinagot sa kanya ni Krista.

Ito raw ang dahilan kung bakit talagang napaiyak na si Jinky noong Thanksgiving Mass para sa Pambansang Kamao. Sobra siyang na-touch sa homily ng pari.

Ang isa pang nasagap naming tsismis, humihiling daw si Mat Ranillo III kay Manny ng isang restaurant sa Los Angeles. Balak kasi niyang doon na tumira kasama ang kanyang pamilya at gusto niyang magsimula ng negosyo at restaurant nga ang napili nyang business.

True ba ito, Mat?

Hangga’t hindi nagsasalita sina Krista at Manny ay hindi talaga titigil ang tsismis sa kanila.

Pero, who knows, baka naman gimik lang ito para sa movie nilang Wapakman.

BLIND ITEM: NAKAKAAWA naman pala ang lahat ng nagiging girlfriend ng isang young actor.

Hindi kasi pagmamahal ang ibinibigay ng aktor sa kanyang dyowa kapag nag-aaway sila. Hindi siya marunong manuyo ng kanyang girlfriend.

Ang tsika sa amin, sampal at bugbog ang palaging inaabot ng girlfriend ng aktor kapag may selosang nangyayari between them.

With this, walang nakatatagal sa mga nakakarelasyong aktres ng aktor. Kasi nga naman, panay bugbog ang inaabot ng dyowa mula sa aktor.

Sa ngayon, non-showbiz na ang girlfriend ng young actor. Clueless pa raw ang dyowa kung anong katauhan meron ang aktor. Sa ngayon nga, super sweet pa sila.

BLIND ITEM: KINUKULIT na pala ng isang young actress ang kanyang manager na bigyan na siya ng raket.

Matagal nang nakatengga ang aktres as in wala siyang masyadong project ngayon. Kahit na sa telebisyon ay walang assignment ang hitad kaya feeling niya, nalampasan na siya ng lahat ng kanyang kasabayan sa isang talent search kung saan siya nagsimula.

Nag-aral ngayon ang aktres, the reason why her manager did not make an effort to disturb her.

Ang kaso, parang wala na yatang panggastos ang young actress kaya naman kinukulit na niya ang kanyang manager na bigyan naman siya ng regular na pagkakakitaan.

Malakas naman sa network ang manager ng young actress kaya hindi kami magtatataka kung one of these days ay makita namin siyang muling aktibo sa showbiz. Isa pa, magaling rin naman siyang aktres at may depth siya sa acting. Kowboy pa siya na kahit ano’ng ipagawa sa kanya ng direktor ay kanyang sinusunod. Wala rin siyang attitude problem.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

4 thoughts on “Young actor, ‘di matagalan ng mga naging dyowa dahil sa pambubugbog! – Alex Brosas

  1. GUTOM din kasi masyado sa pera si Bull Chit Ramos. Sure na malaki ang pag ambon..este ulan gn pera sa bulsa ni Bull Chit galing ke Krista at Mat Ranillo. Hindi na mahirap magbigay ang dalawa kasi umaapaw na ang pera sa bulsa nilang dalawa. Saya saya ng Pasko ni Bull Syet Ramos.

    Mana kasi sa makating LOla na si Gloria Sevilla si Krista Ranillo. Noong kabataan daw ng lola..makati din na parang gabi. So, kinukunsinti si apo. So, pagdudahan pa ba ang character ng mga Ranillo. It runs in the family, ika nga!

    Wala ka palang isip, Chit. Bakit hindi kayang maninaran ng mga Ranillo sa US eh US citizens sila at me kapatid na nasa US? Ilabas mo nga ang mga tikets ng Ranillo family kung sino talaga ang nagbayad ng airfares at hotel nila!! Ang tagal tagal na,ng cleft palate ni Trixie, NGAYON lang na nariyan si Manny Pacquaio nila IPINAGAMOT AT OPERA ANG Trixie? Bakit? Kasi me pera na galing ke Manny.

    Nasa Children’s Hospital pala, sure na nasa LA Sunset Blvd. ang ospital niyan..eh bakit lahat ng Ranillo..nasa Las Vegas at nanonood ng laban ni Pacquaio. Naroon at nagsi shopping? Ano yun??? At saka ang cleft palate operation sa US…outpatient lang ah!!!

    Kapal ng mukha talaga ni Mat..hihingi ng puhunan para sa restaurant.kasi chef ang kapatid ni Kristang kabit.

  2. Mukhang putaching at hostess talaga manamit si Krista Ranillo. Gustong gusto ipakita ang kanyang susong ipinagawa!! Ang pangit naman ng binti at hita..hindi naipagawa..puro cellulites sa video .Grabe…ang payat pero puro cellulites.

Leave a Reply

Your email address will not be published.