Young actor, banong umarte – Cristy Fermin

ANG GALING AT kahinaan sa pagganap ng mga artista ay hindi masusukat sa kung paano natin napapanood ang tapos nang produkto. Puwedeng napakagaling ng ipinakitang pagganap ng isang aktor sa eksenang napanood natin, pero ang eksena naman palang ‘yun ay inabot ng take seven, ibang-iba pa rin ang kaginhawahang nararamdaman ng direktor at ng production staff kapag magaling ang artista at palaging take one lang.

Sa set ng isang teleseryeng may numero ang titulo ay gusto nang lumuha ng bato ng ilang taga-produksiyon dahil sa kahinaan sa pagganap ng isa nilang artista.

Sabi nga ng isang aktres na nakaeksena noon ng pinoproblemang baguhang aktor sa serye, “Halos dumugo na ang mga kamay ko sa pagsampal sa kanya, pero wala talagang mailabas na acting ang batang ‘yun!

“Take six na kami, mahapdi na ang mga palad ko, pero talagang parang nakikipag-eksena pa rin ako sa isang tuod!” kuwento ng kontrobersiyal na aktres.

Maraming nakapansin na sa teleseryeng may numero ang titulo ay malaki na ang iniusad ng pagganap ng young actor, meron na siyang emosyon ngayon, hindi tulad noon na literal na literal na tuod ang kanyang dating sa mga eksena.

Pero pagkontra ng isang impormante mula sa loob, totoo raw na malaki na ang natutunan sa pag-arte ng young actor kumpara noon, pero may kuwento pala tungkol du’n.

Sabi ng impormante, “’Yung napapanood n’yo, sakit ng ulo naman ng production ang pinagdaanan nu’n dahil talagang guwapo lang si ____(pangalan ng young actor), pero hindi siya nakaaarte.

“Dumaan na siya sa workshop, talagang pinagtiyagaan na siya, pero ganu’n kasi talaga. Kung wala kang talent, wala talagang lalabas. Makatutulong ang workshop, pero wala ring mangyayari kung wala talagang alam ang artista.

“’Yung paminsan-minsang take 4, pasable pa ‘yun, e. Wala namang artistang perpekto, pinakamagaling mang artista, puwedeng maging mapurol din paminsan-minsan.

“Pero kung palagi namang take 5 or take 6, teka muna, hindi lang ‘yun pag-aaksaya ng negatibo, malaking sakit ng ulo rin ‘yun sa staff and crew,” pahayag ng impormante.

Nu’ng minsan nga raw ay nagkatawanan sa set dahil umeksena ang isang tagatimpla ng kape. Dahil paulit-ulit ang eksena ng young actor ay nakabisa na ng “coffee maker” ang kanyang mga dayalog, kaya ito na ang naglitanya nu’n.

“At memorized niya na talaga ang mga lines nu’ng nakasalang, ha? At may diin siya, may emotion, samantalang ‘yung artistang kinukunan, nagkakabulol-bulol sa mga dialogues niya!” kuwento pa rin ng aming source.

Ang young actor na bida sa kuwentong ito ay produkto ng isang malaking bahay, walang nagawa ang pambansang kuya sa kanyang acting, guwapo lang talaga siya pero hungkag sa emosyon.

ANG PAGKAKAOSPITAL NI Martin Nievera pagkatapos ng matagumpay nilang concert ni Gary Valenciano ay isa nang malinaw na senyal na kailangan nang pangalagaan ng Concert King ang kanyang sarili.

Kailangan niya nang magbawas ng timbang dahil ayon sa mga kaibigan naming nanood ay medyo nahihirapan na siyang abutin ang matataas na tono, may hingal factor na si Martin, samantalang si Gary V. ay punumpuno pa rin ng energy hanggang sa huling kanta nila.

“Nahihirapan na siyang kumanta, napapagod siya agad, pero naging emotional ang audience nu’ng makita siyang umiiyak. Kinanta nila ni Gary ang “Take Me Out Of The Dark”, kitang-kita sa wide screen na umiiyak si Martin,” balita sa amin ni Japs Gersin na gumamit ng ticket namin para sa konsiyerto.

Napakaganda raw ng concert, mula umpisa hanggang sa huli ay wala kang itatapong bahagi, dahil talagang ibinigay nina Martin at Gary ang lahat-lahat para sa kanilang mga tagasuporta.

“Paano namang hindi made-dehydrate si Martin, e, dalawang oras silang kumanta nang kumanta, ang ganda-ganda ng show! Hindi ka maiinip, masaya!” papuri pa ni Japoks.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

16 thoughts on “Young actor, banong umarte – Cristy Fermin

  1. an0 b nmn kau hnd c gerald yan n0h?c ejay falc0n ng kat0rse yan,cgr0 nga akla ni0 c gerald dhl taung 2 taz prhs png glng s bhy ni kua,wel try ni0 mn00d ng b0th telsrye nla ska ni0 hsghan,c gerald tlga mglng n umarte npka versatile pa,mglng n tlga kmpra ky ejay,at ms wgp0 pa,,db?haha3 wel kht c christ0pher de le0n eh humhnga ky gerald,kya wg na kau manghula,its ejay falc0n,ban0ng ban0 umarte…gwp0 ni papa gerald n0.1 ang taung 2..

  2. gerald yan!!!. .tigas nya umakting.feeling!!.KUMAKAPIT PA SA LOVETEAM!.PARA DI MALAOS!sorry,kimerald.pero LOVE KO NMN C KIM!.C GERALD LNG TLAGA!!EWWWWWW

  3. kaya nga nagre rate dahil sa arte ni e jay, bagay ang character. kung sa iba nabigay ang role baka oa na. ganito rin noon si joel torre pero ng lumaon ,naging magaling na aktor.

  4. hoy babaeng ulaga.. demonyita ka.. ayusin mo nga yang pagiging tsismosa mo.. wala na sana manguha sau pra mawalan ka ng trabaho at manahimik ka na

  5. kung si Gerald yan, hindi na sana bibigyan ng isa pang teleserye na Tiagong Akyat. At saka Cristy, ang hilig mong manlait kaya ka nabubulilyaso sa buhay. Yung mga magaganda naman ang isulat mo para maganda rin ang karma mo, puede ba?

  6. Gerald did not have a ‘sampalan’ scene..Ejay had one with Rosanna Roces in May Bukas Pa…in fairness he has now since improved…and in fairness too Katorse is really rating well…kudos to the Director, everyone for the feat.

  7. Definitely not Gerald. Gerald has Take One in almost all his takes…very much improved acting and very versatile–action, drama, etc… in Tayong Dalawa and Tiagong Akyat even Christopher de Leon, the movie critic Nestor Torre are impressed with him.

  8. its ej bhkit lagi nlang bina-blind item tong batang to, give him a break!! tlga nmang mga pinoy lumalabas ang pagka-crab mentality… nood nlang kyo ng katorse me matutunan pa kayo…

  9. Tay0ng DALAWA ni Grerald? or Kat0rse ni Ejay Falc0n?? They’r b0th fr0m Pin0y Big Br0ther and b0th Bulol? “Puwedeng napakagaling ng ipinakitang pagganap ng isang aktor sa eksenang napanood natin” c Gerald kaya ‘t0?? kc matatap0s na TAy0ng Dalawa e ^^ Pwede rin c Ejay kc d nman tlga kagandahan akting nia e..

  10. dyows ko! sino ba namang artistang bata at baguhan ang nagte-teke-one? lahat sila! di mo na kailangan magsampol ng isa. kahit beterano nakakailang take. ang galing-galing na nga ni ejay umarte ngayon sa katorse. iniintriga, kaya siguradong sisikat ito.

    baka nagu-gwapuhan ka lang kay ejay. crush mo no. ha cristy?

Leave a Reply

Your email address will not be published.