Blind Item: Young actor, balik sa pagiging lasenggo by Cristy Fermin

TOTOO KAYANG BUMABALIK  na naman sa dating gawi ang isang sikat at guwapong aktor ng kanyang panahon? Hindi na gaanong kabataan ang aktor na ito, pero hindi pa rin naman siya katandaan, marami pa ring tumatawag ng young actor sa kanya hanggang ngayon.

May kumakalat kasing kuwento na isang araw ay maraming nakakita sa kanya sa isang sosyal na bar na pahandusay na nakahiga sa isang sofa, lasing na lasing, tanggal-tanggal ang mga butones ng suot niyang polo shirt.

Tahimik daw naman ang batang aktor kahit nakainom, hindi naman naghahanap ng away, pero komento ng mga nakakita sa kanya ay napakahalay palang makakita ng isang sikat na artistang lasing na lasing.

Meron daw kayang malalim na problema ngayon ang young actor para magsumbong sa alak? Dati na siyang ganu’n, palagi siyang nakikitang lasing ng kanyang mga kaibigan noon kapag problemado, kaya ang tanong ng marami ay ano na naman kaya ang bumabagabag sa kanya ngayon?

Naalala pa namin ang kuwento nu’ng minsan siyang malasing nang todo, nasa isang kilalang disco naman sila noon ng kanyang mga katropa, sa sobrang kalanguan ay nakita na lang siya ng mga nandu’n na umaakmang aakyat sa pader.

Sabi ng isang kasama niya, “Pare, pader ‘yan! Walang hagdan diyan para maakyatan mo!”

Ang buong-ningning na sagot ng sikat at guwapong aktor, “Huwag kang mag-alala, pare, kayang-kaya kong akyatin ‘yan! Hindi mo ba alam, si Spiderman ako!”

Hay, naku! Nanghihinayang kami sa kabanguhan ngayon ng takbo ng career ng sikat at guwapong young actor na ito. Napakaraming nangangarap na pumosisyon sa kinaroroonan niya ngayon, huwag na huwag sana niyang sayangin ang napakagandang oportunidad na paminsan-minsan lang dumarating sa buhay ng tao.

by Cristy Fermin

loading...

38 thoughts on “Blind Item: Young actor, balik sa pagiging lasenggo by Cristy Fermin

  1. john loyd nga yan…kasi ang clue ang gf daw ngayon ay isang former beauty queen na long legged at nabugbug before – sa juicy ko napanood.

  2. c JOHN LLYOD CRUZ YAN NAPANOOD KO NA 2 SA JUICY NG LA2SING XA KC MARAMI PROBLEMA UNG NG DAAN SA BUHAY NYA KGAYA NUNG MGA ISSUE KYA MUKANG ADIK N XA PAG NSA ASAP C JOHN LLYOD YAN 100000000000000%

  3. Si Dennis Trillo. Nagsisisi. Sising sisi. Deny kasi nang deny. Nang mag move on si Christine, saka naglasing nang naglasing sa sama nang loob. Ang sama sama nang loob.

  4. dennis dahil ayaw na ni cristine makipagbalikan si john lloyd dahil gusto nyang ligawan si cristine kaya lang di naman sya type ni cristine my analyse hehe

  5. sabi kasi spiderman ako at guapong actor si dennis nga talaga kasi si jlc di naman kasing guapo ni dennis at nabasa ko lang na cristine junk secret lover dahil nakipagdate daw sa iba kahit mag on pa sila at panindigan daw nya na its final walang nang balikan

  6. naku truly naman talga na lasenggo yang si dennis dati pa yan nagbabanda banda pa lang yan ganyan na yan..pero tahimik lang naman daw pag nakaka inom, medyo kaiba lang daw ang kinikilos kesa pag di lasing

  7. Dennis yan wala nang iba ibig sabihin di pa sya nakapag move-on mahal nya pa rin si cristine but shes dating another guy an atenean.. ikaw kasi dennis panay ang date mo sa iba nung kayo pa ni cristine naging loyal naman sana sya sa iyo.

  8. Bakit ano ang problema ni Dennis Trillo? Dahil ba break na sila ni Christine Reyes at hindi pa siya nakapag move on?

  9. JOhn LLoyd Cruz walang duda di ba kabarkada niya si Baron Geisler so pareha sila noh Birds with the same feather flocks together… Together sa inuman…

  10. Si John Lloyd yan. Di ba noon pa chikka na mahilig uminom ito kaya parang di type ng mga Sotto para kay Ciara noon.

  11. JLC yan, maraming nang BI na obviously siya ang tinutukoy. Matagal nang may problema si JLC sa pag-inom ng alak.

  12. maaring si guapong sikat na actor dennis dahil ayaw na talaga ni cristine makipagbalik sa kanya or john lloyd guapo din at sikat dahil type din si cristine kaya lang hindi naman sya type hehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.