Young actor at sweet actress sa magkabilang bakuran, sobra sa kaelyahan!

OLA CHIKKA! Nakakalokang Huwebes mga Kaparazzi, dahil ang maraming chismax to the maximum authority of chismis akong ihahatid sa inyo.

Una na rito ang kontrobersiyal na magdyowa sa panahong ito, ang bidang-kontrabida at ang napaka-yummy na actor, sila Angelica Panganiban at Derek Ramsay. Nang makita ko ang nakakalokang litrato nila rito sa Pinoy Parazzi kahapon, talaga namang hindi ko na maatim na tingnan pang muli!

Bhuket? Paano ba naman itong si Angelica, kababaeng tao pero daig pa ang 100% na bakla! Kung makadakot, akala mo kung ano lang ang kinukuha, eh!

Pasan-pasan ni Derek ang kanyang dyowa sa isang beach, sweet ‘di ba? Lalo pang naging sweet dahil ang isang kamay ni Angelica ay nakakapit sa leeg ni Derek habang ang isang kamay, ay naku! Hindi na sweet ang tawag du’n! Malaswa na!

Bhuket?! Dahil ‘yung isang kamay niya ay nakakapit sa alaga ng kanyang boyfriend sa loob ng underwear nito! Excuse me pow!

Naku Angelica, huh! Naiintindihan ko na private moment n’yong magdyowa ‘yun. Pero sana, pakatandaan na public personalities kayo. Kaya ‘yung mga ganu’ng posing sa larawan, hindi na dapat ipinamamahagi!

Hindi talaga ako natuwa kaya hindi ko na tiningnan pang muli ang litratong iyon dahil… NAGSESELOS AKO! Ha-ha!

At dahil d’yan, napatanong tuloy ako…. Ganun ba ka-manyak at ka-“L” itong si Angelica?!

Kung katulad nga naman ni Papa Derek ang dyowa mo… tinatanong pa ba ‘yun?!

AT DAHIL D’YAN napatanong ulit ako kung ano ba ang nangyayari rito kay Willie Revillame, at kung bara-barahin niya ang kanyang co-host ay ganu’n-ganu’n na lang?!

Bhuket? Nang tanungin kasi ni Willie si Pokwang ng joke, tuwang-tuwa ito, ngunit nang marinig ang sagot ni Valerie ay bongga sa pagbara! Sabihan ba naman na walang alam kundi hindi kumain kaya ang taba-taba ni Valerie. Dahil puro pagkain at sapatos ang laman ng dressing room niya!

Eh, ano’ng connect ng sapatos sa joke?! Eh, kung sapatusin ko kayo! Ha-ha! Joke!

Bati na kami niyang si Willie ngunit hindi naman tama ‘yung ganu’n. Dati, tuwang-tuwa siya kay Valerie at napakagaling naman talagang host kaya nga nanalo siya bilang Best Female TV Host sa 22nd PMPC Star Awards for Television ‘di ba?! Nauna pa siyang magka-award kaysa kay Willie kaya hindi niya dapat pinag-iinitan si Valerie.

Teka! Bakit niya nga ba pinag-iinitan? Dahil may lihim siyang binabalak? “Valerie, exit! Sam, pasok!” ba ang drama niya? Hmm….

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino sila? Sinong itong mae-“L” na mga young artists mula sa magkabilang bakod? Sa bakod ng Dos itong si guwapong actor at sa Siyete naman itong si sweet actress.

Ang chikka ay nang maglagalag itong aking parazzi girl sa isang parking lot, may naispatan siyang yumuyugyog na kotse! Ay, taray! Yumuyugyog! Bhuket?! Alam na! Grabe, ‘di ba?! Hindi man lang nasagi sa aking isip na ganu’n sila ka-wild!

Sa bagay, ‘yung ka-loveteam nitong guwapong actor ay hindi naman talaga nakaaakit, dahil baka konting hangin lang ay matangay na siya sa sobrang kapayatan! Ha-ha!

Gusto nyo ng clue?! Si sweet actress ay araw-araw nakikita sa noontime show, habang si guwapong actor ay gabi-gabing nakikita sa primetime! Gets n’yo na?! ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleGiselle Sanchez, nangongopya na lang kay Allan K!
Next articleClickadora: Sergio Meets Rosalinda

No posts to display