Young actor at ina nito, pinagtataguan ang inutangan ng P1-M! – Alex Brosas

MALALAGAY NA NAMAN sa alanganin ang name ng isang inactive young actor kapag nagsalita ang isang businesswoman na inutangan niya at ng kanyang ina ng one million pesos.

May nakapagsabi kasi sa amin na imbiyerna na ang negosyante sa aktor at sa kanyang ina dahil hindi na raw ito nakababayad o nakapaghuhulog sa kanilang inutang.

Actually, second time na ng aktor at ng kanyang madir na mangutang sa sikat na negosyante. Noong una, P300,000 ang inutang ng mag-ina. Maganda naman ang naging pagbabayad ng mother and son at walang naging problema sa kanilang loan.

Since maganda ang performance ng dalawa sa pagbabayad, muli silang pinautang ng businesswoman. This time, one million pesos naman ang kanilang nahiram.

But lately, hindi na raw mahagilap ang mag-ina. Nagpadala na nga raw ng demand letter ang businesswoman pero wa epek pa rin, hindi pa rin naghuhulog ang mag-ina.

HINDI RAW NAGSESELOS si Kim Chiu sa newcomer na si Sam Pinto na aminadong crush si Gerald Anderson.

“Hindi po, wala po,” sagot ni Kim kung totoo bang jealous siya sa baguhang aktres na produkto ng Pinoy Big Brother.

Sa isang interview kasi ay sinabi ni Sam na crush niya ang screen partner ni Kim.

Mas romantic, sabi nina Kim and Gerald, ang latest movie nilang Paano Na Kaya? Mas marami rin silang eksenang halikan sa movie na ito.

“Biglaan po ang nangyaring kissing scene namin sa unang movie namin kaya nailang po ako. Dito naman, medyo passionate. Medyo nakakahiya nga po ang eksena kasi ang daming taong nanonood nang kinunan ‘yung eksena. At medyo matagal po iyong kissing scene namin kasi kinunan sa apat na anggulo. Apat na ulit po iyon,” tsika ni Kim.

INAMIN NI REGINE Tolentino na hindi nga siya nag-renew ng kanyang kontrata para sa Unang Hirit.

“Six years na akong hindi bumabalik sa entertainment TV. In-advise sa akin ng Artist Center, si Ma’m Ida Henares, na tanggapin ang project na ito,” esplika ng dance diva sa launching ng Ina, Kasusuklaman Ba Kita?.

Pero, nananatili pa rin si Regine sa Unang Hirit. “Lahat ng dance segment, once or twice a week gagawin ko pa rin ‘yon.”

Ang kanyang limited exposure sa Unang Hirit ay dahil na rin sa kanyang tatlong-beses-isang linggong taping para sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita?.

Ang itinanggi ni Regine ay ang tsika naming hindi siya nag-renew ng kanyang contract sa GMA-7 dahil hindi siya binigyan ng increase sa kanyang talent fee.

“No, never akong nag-ask. I’m perfectly happy with Unang Hirit. Sobra kaming magbarkada roon,” esplika ni Regine.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

2 thoughts on “Young actor at ina nito, pinagtataguan ang inutangan ng P1-M! – Alex Brosas

Leave a Reply

Your email address will not be published.