You Can Take Me… If the Price is Right!

PARANG KARINDERYA ANG buhay ni Kris Aquino na nakabukas sa lahat ng gustong kumain, kaya walang maitatago ang TV host-actress. Sa mga lalaki na nali-link ngayon sa kanya gaya nina Papa Diether Ocampo, Mayor Jun Jun Binay at Papa Ted Failon, may karapatan na magmaganda at magtaray ang Queen of All Media.

Noong Valentine’s Day eh, maraming nagtanong kung sino ba ang nakadate ni Krissy, pero huwag sanang ikasama ng loob ng mga mahadera, pero wala sa mga pinagpilian ang sagot. Dahil si Papa James Yap pa rin ang nakaulayaw ni Krissy with matching dinner at gift-giving pa. Kalokah! Ang balita eh, isang bonggang bracelet ang iniregalo ni Papa James. Mukhang may tsansa pa ang pagbabalikan ng dalawa if the PRICE is right. Tama ba, Krissy? He-he chos!

Photos by Mark Atienza, Luz Candaba & Fernan Sucalit

Ni MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.