Yosi Kadiri sa Senado, Binanatan ni Pia Cayetano

BINANATAN NI Sen. Pia Cayetano ang mga tinaguriang mga ‘yosi kadiri’ sa Senado.

Sinabi ni Cayetano na dapat ay ipatupad ng Senado ang Anti-Smo¬king Law sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso kahit pa masagasaan ang mga kasamahan niyang mambabatas na naninigarilyo alang-alang na rin sa mga empleyadong naaapektuhan ng naturang bisyo.

Inihayag ng senadora na may mga empleyado ng Senado na hindi lamang makaangal lalo pa kung isang senador ang naninigarilyo sa loob ng kanilang tanggapan.

Maliwanag naman aniya ang batas laban sa paninigarilyo na ipinagbabawal sa mga tanggapan ng pamahalaan lalo na sa mga gusali na air-conditioned.

Nauna nang sinabi ni Cayetano na noong nakaraang linggo na may staff siyang buntis na naaapektuhan ng ilang naninigarilyo sa loob ng Senate building.

Hindi aniya basta-basta nakalalabas ang usok ng sigarilyo lalo na sa mga air-conditioned na silid kaya kahit sa ibang tanggapan ay nalalanghap ang usok ng sigarilyo.

Sa ilalim ng Republic Act 9211 o Tobacco Regulation Act of 2013, ipinagbabawal ang pagsisindi ng sigarilyo sa mga “public places” katulad ng mga enclosed o confined areas na hospitals, medical clinics, schools, public transportation terminals, mga pampubliko at pribadong gusali, elevators, cinemas, malls at mga lugar na delikado sa sunog. Bawal din ang smoking sa mga recreational facilities para sa mga bata.

Samantala, naniniwala ang mambabatas na ang mga senador ang dapat maging halimbawa sa pagsunod sa batas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.