Yolol, bagong bagets group na kakikiligan, ilulunsad sa Sunday noontime show ng TV5

Yolol, bagong bagets group na kakikiligan, ilulunsad sa Sunday noontime show ng TV5May bagong pakulo ang Viva Communications, Inc. at TV5 na magsisimula sa March 6 sa kanilang bagong Sunday noontime show via “HAPPY TRUCK HAPPinas” sa paglulunsad ng bagong bagets group nila na kinabibilangan nina Akihiro Blanco (2nd placer sa TV5’s Artista Academy); Andrew Muhlach na kapatid nina Aga at Arlene sa amang si Cheng; VJ Marquez na bunsong anak nina Alma Moreno at Tsong Joey Marquez; Jason Salvador na kapatid ni Maja sa amang si Ross Rival; Owy Posadas; and no less than Jack Reid, ang guwaping na young brother ni James Reid.

Mga cuties ang anim na bagets na makikisaya at makikigulo tuwing Sunday, kung saan ang mga kuya at ate nila na sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Gelli de Belen, Tuesday Vargas, and Derek Ramsay ang mga frontliners sa pantanghaling ‘musical-game show’.

Ayon sa kuwento ni VJ, their bagets group will be called YOLOL at tulad ng segment nila sa Sunday show, they will also have their own bagets TV show (remember Maryo delos Reyes bagets movie nina Aga Muhlach, Herbert Bautista, William Martinez and Raymound Lauchengco?) na magsisimula na rin by late March or April.

Kuwento naman ni Jack, he was inspired to enter showbiz nang makita niya ang kapatid niyang si James na nag-e-enjoy sa ginagawa nito, lalo na ang pag-swoon ng mga fans sa love team nila ni Nadine Lustre.

“I just want to try showbiz. I think I will enjoy the experience,” kuwento ni Jack sa amin.

Si Jason naman, gusto niyang sorpresahin ang Ate Maja niya na hindi pa nito alam na magseseryoso na rin siya sa showbiz. “May hint po siya na gusto ko ring mag-showbiz, pero ayaw kong magkuwento hanggang sa may totoong project na talaga. With ‘Happy Truck Happinas’, p’wede ko nang sabihin sa kanya,” kuwento ng binata sa amin.

Good luck, boys!

Reyted K
By RK VillaCorta

Related Post

loading...

One thought on “Yolol, bagong bagets group na kakikiligan, ilulunsad sa Sunday noontime show ng TV5

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.