Ynna Asistio, idedemanda na rin Annabelle Rama, pinagbintangang bugaw!

INAABANGAN NGAYON ang muling pagkikita nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro dahil sunud-sunod pala ang mga hearing nila na maaaring pagtatagpuin silang dalawa.

Iniiwasan sana ng piskalya na magkita sila uli dahil baka maulit na naman ang gulong nangyari nu’ng nakaraang taon.

Sabi kasi ni Annabelle, kapag nakakarinig siya ng mga kasinungalingan daw kay Nadia, umiinit talaga ang ulo niya kaya hindi malayong mangyari na maulit uli ang gulo. ‘Pag nagtagpo sila uli, tiyak na may mga sasabihin na naman si Nadia na ikagagalit niya, kaya ewan ko na lang kung makapagpipigil pa si Annabelle.

Nu’ng nakaraang Lunes, si Bisaya lang ang sumipot sa hearing nila sa San Juan Prosecutor’s Office, dahil nag-submit lang naman ito ng reply sa counter-affidavit ni Nadia.

Kasama ni Annabelle nu’n si Miriam Quiambao para magbigay lang ng statement na wala sa kanya ang sofa na sinasabi ni Nadia. Nandu’n din ang matagal na katiwala nina Annabelle at Eddie Gutierrez na si Mang Rudy para mag-testify naman para kay Annabelle siyempre. Siya kasi ang nag-ayos nu’ng mga gamit na kinuha diumano ni Nadia, na ang sabi ni Annabelle, hindi pinaalam sa kanya ni Nadia na kukunin niya ang mga ibang mga gamit.

Medyo matagal pa iyan dahil magsasagutan pa sila ng kani-kanilang affidavit kaya tingnan na lang natin kung ano ang kahihinatnan nito.

Meron namang tatlong kasong isinampa si Nadia at bukas na raw nila ito haharapin sa piskalya ng San Juan. Pero ngayong araw naman ay maghaharap sila sa Quezon City Prosecutor’s Office para naman sa kasong Child Abuse na isinampa ni Nadia kay Annabelle.

Baka raw pag-ayusin na lang sila na parang mediation na. Pero sa takbo ng mga pangyayari, mukhang malabong mangyari ‘yun dahil pareho silang galit sa isa’t isa.

Sabi naman ng abogado ni Annabelle na si Atty. Howard Calleja, open daw sila sa posibilidad na pag-aayos basta maglabas lang daw si Nadia ng public apology at bayaran daw nito si Annabelle.

Siyempre, tumatanggi naman si Nadia dahil siya naman daw ang complainant bakit daw siya ngayon ang mag-a-apologize. Kaya tuloy ang kaso niyan.

Sagot naman ni Annabelle, hindi pa rin siya tapos dahil balak daw nitong idemanda si Ynna Asistio. Pinagbintangan daw kasi siyang ibinugaw sila. Dapat patunayan daw ‘yun at sabihin nina Ynna kung kailan, saan at kung paano sila ibinugaw.

Sobrang sinira raw siya ng mga bintang na ‘yun nina Nadia, kaya dapat na pagbayaran daw nila ito.

‘Di ba mahabang usapin pa iyan, at magulo pa? Kaya ewan ko kung kailan pa ‘yan matatapos.

Sabi naman ng Chief Prosecutor’s Office ng Quezon City, bibilisan daw nila ang kasong ito para matapos na agad ito.

Hindi natin masasabi kung aakyat ito sa korte o hindi. Kaya abangan na lang natin.

So far, panay pa rin ang patutsadahan nila sa kani-kanilang Twitter account, kaya talagang sinusubaybayan ng mga tao ang away ng dalawa.

 

NAI-SHARE NA nina Dingdong Dantes at Marian Rivera kung ano ang gagawin nila sa Valentine’s Day, pero hindi ko pa alam kung natuloy ito at kung ano ang nangyari.

Ang isa pang curious ako ay kung ano naman kaya ang ginawa nina Bianca King at Dennis Trillo sa Valentine’s kasi hanggang ngayon, super-deny pa rin sila na sila na talaga. Iniiwasan na nga nilang pag-usapan ito kaya asahan na nating wala silang sagot tungkol dito.

‘Di ba nu’ng graduation ni Bianca nu’ng nakaraang Sabado, hindi naman sumipot si Dennis? Alam yata nila na kukunan ‘yun ng media kaya walang Dennis na dumating. Napabalita kasi noon na dadalo raw si Dennis, kaya inabangan naman ng mga reporters.

Malay natin, baka sa blow-out na lang dumating si Dennis para maki-celebrate sa graduation nila. Kaya asahan na natin na wala silang maikuwento kung paano nila sinelebreyt ang Valentine’s Day.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

10 thoughts on “Ynna Asistio, idedemanda na rin Annabelle Rama, pinagbintangang bugaw!

  1. ASA!! E SI ANNABELLE ANG BABAENG NI ISANG GRAMONG BREEDING WALA! PANO DI NAKAPAG ARAL! ILLITERATE! MUKHANG PERA!

  2. grabe ka nman dayalini,kahit pala murahin na mula ulo hanggang paa ang family ni Ynna eh hindi sya iimik ehh mudra ni Ynna ang nilalait ni bicsayangg masama ugali ni anabel wag nyo na syangn kampihan.yong ginawa ni anabel na pag mura sa labas ky nadia hindi tamang gawain yan ng isang makatao u shut updayalini,inggrata ka

  3. Nadia and A.Rama ay pareho lang aggressive,pero parang mas mayabang at liar si Nadia but in this fight I think Rama is right and honest sa mag pinagsasabi nya ,sensible though hindi ko siya gusto at mga anak nya esp Ruffa napakaarte sobra. siguro si A.Rama is hypertensive madali siya magalit kc ,w/c is dangerous kasi baka ma hearth attack siya sa mga lie na pinagsasabii ni Nadia at ng anak nya si Ynna de naman sikat{Mark herras wala ka bang taste ang gaganda ng mga naging GF mo esp J.M ] kaya pa interview ng pa interview para mapagusapan siguro ang tuwa ni Nadia pag inatake sa puso si Rama.Keep praying na lang rama ipa s aDios mo na lamang si Nadia at ang anak nya

  4. Hindi ba phothogenic si Ynna? o sadyang pangkaraniwan lang ang mukha nya,bakit kaya naging artista itong batang ito,pang extra lang dapat ang role mo iha.very lucky ka Ynna nagustuhan ka ni Mark at saka bakit ka nakikisali sa away ng mga elderly,ah siguro gusto mo ng exposure,di ka ba tinuturuan ng parents mo oh gusto maging katulad ng mommy mo trouble maker..Annabelle, Nadia have a life coz life is short enjoy .Nadia hindi naman pala pang artista mukha ng mga anak mo,huwag ka masyadong mayabang dahil kay ynna pa lang hindi star material eh yun kaya mga youngest kids the same din kaya?

  5. ay naku adik yang c nadia.. kung kani kanino may utang…. gumagawa lang yan ng demanda para magkapera…. baon yan sa utang… maniwala kayo,,, may utang yan million sa tita ko… ayaw magbayad kase walang ibabayad….,,,,

  6. basta pareho silang luka luka,,annabelle rama at nadia hindi tlaga matitigil ang demandahan pagsamahin ba naman ang mga luka luka

  7. ah well I cannot blame Annabel rama if upset siya pagkatapos nya tulungan at pautangin eh awayin siya to the max ,may pautang din ako ng sinisingil ko na ako ang inaway,kaya lang cool lang ako ako habang inaway ako,sabi ko na lang kay Sota ay bahala ng God sa iyo kun tatakbuhan mo ang utang mo ..pera lang yan ;ang pera nahahanap KARMA hindi.Kung ako si Annabel iabuloy mo na lang kay Nadia,at lalo ka annabel will be blessed w/ more money kasi that what s happening to me,money kept pouring.But Never na magpautang ka uli,donation na lang

  8. juice kwoh! iharap lang nila mukhang-fez ni ropa sa korte! win agad sila nadia nyan! hahahaha bedahnmn, binugaw yan ng sarili niyang powtang-ina? bruneiyukikehkah~!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.