Ynez Veneracion, denies pregnancy issue with a politician and abortion!

MARIING PINABULAANAN NG isa sa cast ng Munting Here-dera na mapapanood na sa May 9 sa GMA Telebabad na si Ynez Veneracion ang tsikang nabuntis siya ng sinasabing politician boyfriend nito mula sa Maguindanao. At kaya naman almost two months siyang nawala at hindi nagpapakita ay dahil nagpalaglag ito.

Tsika ni Ynez, walang katotohanan ang nasabing balita dahil masyadong nahilig lang siya sa pagtu-tour sa iba’t ibang bansa kasama ang kanyang Amerikanong boyfriend. Kaya naman laking gulat niya nang dumating sa Pilipinas at sumambulat sa kanya ang nasabing tsismis.

Nahihiya nga raw ito sa politician from Maguindanao dahil nadadawit sa nasabing issue, samantalang magkaibigan lang daw sila at walang mas malalim pang namamagitan sa kani-lang dalawa. At this point in time daw, wala pang balak magpabuntis o mag-asawa si Ynez dahil ini-enjoy pa niya ang kanyang pagiging dalaga at mas gusto muna niyang magtrabaho nang magtrabaho. Kabog!

DALAWA ANG IPINALIT ni Kuya Germs kay Shalala sa iniwanan nitong puwesto sa radio (DZBB 594  Walang  Siesta), at sa show na Walang Tulugan with The Master Showman. Sila ang mga bagong discovery ng starbuilder na sina Janna Chu Chu at Mega Ohlala na napapakinggan sa radio program ni Kuya Germs every 2:30-3:30PM sa DZBB.

Samantalang two weeks nang napapanood para sa kanilang ‘Balitang Badingding’ segment sa Walang Tulugan with the Mastershowman ang 2 miyembro ng Badingdings at positibo naman ang feedback sa performance ng mga ito sa walang tulugan at maging sa radio.

Ayon kay Kuya Germs, ayaw raw nitong sabi-hing kapalit ni Shalala ang Badingdings dahil iba naman daw si Shalala at iba rin naman sina Janna Chu Chu at Mega Ohlala. Bagong discovery raw nito ang dalawa, katulad ng pagdidiskubre nito sa halos karamihan ng mga artistang napapanood ngayon sa telebisyon at pelikula. Nakitaan lang daw ni Kuya Germs ng potensiyal sina Janna Chu Chu at Mega Ohlala kaya naman binigyan niya ng break sa radyo at telebisyon katulad ng pagbibigay niya ng break sa mga baguhang artista na nagnanais na magkaroon ng puwang sa industriya.

MAKULAY, NAPAKA-TRENDY AT very fashionable ang summer collection na hatid ng Urban Edge Apparel na suot ng celebrity image model nitong member ng Gigger Boys, 2009 Star Awards  for Best New Male TV Personality, at Olive C image model na si Benjamin de Guzman.

Mula sa kanilang T-shirts na gawang Filipino at nagpo-promote ng social awareness, nationalism, at Filipino values na nagbibigay ng mensahe sa mga kabataang lumayo sa mga ‘di magagandang gawain at tahakin ang tamang landas.

Ang Urban Edge ay mabibili sa MartOne Discount Stores, MI Stores, Ever Gotesco Stores, Tiong San La trinidada, Magic Mall San Jose, Magic Mall Malasiqui, Cash and Cary Dept. Store, Centro Tuguegarao. Kung saan ilan sa mga mall na ito ay bibisitahin ng celebrity image model at ambassador ng Urban Edge na si Benjamin De Guzman this year. Kaya naman watch for it!

ISA NA NAMANG baguhan ang nakatakdang bumihag sa puso ng mga Pinoy, ito ay sa katauhan ng Fil-Am na si Triz Reyes na ala-alaga ng kaibigan at hinahangaan naming character actress na si Ms. Vangie Labalan.

Seventeen years old pa lang si Triz, pero napakalaking bulas nito with matching brown skin color na Pinay na Pinay at maamo at magandang mukha na nahahawig kay Ara Mina. Tsika ni Triz na if ever daw na mabibigyan siya ng pagkakataong pumili ng makaka-duet at makakasama sa isang acting project, ang ABS-CBN prime star na si Piolo Pascual ang pipiliin nito. Bukod kasi sa magaling daw itong kumanta, guwapo at magaling umarte ang crush na crush ni Triz si Piolo.

Nakatakdang ire-launch ngayong taon ang album ni Triz, kasabay ng isang makabuluhang konsiyerto kasama ang isang Japanese/Pinay singer para sa mga nasalanta ng Tsunami sa Japan, at isang TV show na si Triz mismo ang magiging host nito.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Ynez Veneracion, denies pregnancy issue with a politician and abortion!

  1. hi po! Masasabi ko na nabuntis at nanganak sya kc kitang kita ko at hirap n hirap syang maglakad at may kasamang baby, babae ang anak nya.sa bahay ni mon confiado sya nakatira,si mon confiado kaya ang tatay??????????

Leave a Reply

Your email address will not be published.