Yna Asistio, naghahabol kay Mark Herras? – Tita Swarding

OLACHIKKA……..MARAMI ANG nag-text sa akin at ilang mga kaibigan in and out showbiz ang nagtatanong kung sino ‘yung dating kong blind item na guwapong actor nagkalat ang nude pic sa internet. Sorry na lang. Kaya nga blind item eh. Ha! Ha! Ha! At sa isang site rin sa internet  kung saan kinuha ang blind item ko na tungkol sa isang half-Pinoy ay ang dami ring nanghula sa item na ‘yun. Kaya manigas kayo sa kahuhula, ‘no kung sino ‘yung guwapong model actor na ‘yun na na hindi pa tuli, huh!

Ngayon, may pahuhulaan nanaman ako tungkol sa isang TV host-actress na ito na ang akala ko ay bilang lang sa daliri ang mga naging karelasyon. Ay, naku mga kafatid, nagkamali ako. Yes, aminado ako na nagkamali dahil hindi lang pala bilang sa daliri, kahit isama mo pa sa pagbilang ng mga daliri mo sa paa at kamay ay kukulangin ‘yan sa mga naging karelasyon ng TV host-actress na ito. Ha! Ha! Ha! As in, todo rami talaga nang bonggang-bongga ang mga lalaking naging BF ni TV host-actress. At take note, hindi ito mga pipitsuging mga BF lang dahil may ipagmamalaki ang mga ito.

Nakakaloka dahil itong si sikat na TV host actress ay hindi makakatulog ‘pag walang lalaki sa buhay niya. Ano raw?

Tsika pa sa akin, itong si actress, lahat ng lalaking naging karelasyon nito ay nakuha siya. Iwww! Hay, naku, nawindang ako, ha!

Kung unang tingin kay actress  ay hindi siya ganu’n kadaling makuha ng mga lalaki,hoy, nagkakamali kayo dahil si actress pa raw ang nagpapakita ng motibo sa mga lalaki. Naku, ha! ‘Yung karelasyon daw ngayon ni TV host-actress ay latak na lang daw. Hesus maryosep! Naloka ako, ha! Kasi, pang ilang lalaki na ito na dumaan sa buhay niya. O, may clue na ha! Oopss, remember, TV host-actress ito ha! Hindi na ako mag-give ng network kung saan siya mapapanood. Basta! ‘Yun na!

ANO KAYA ANG masasabi ng aking kaibigan na si Nadia Montenegro tungkol sa isyung ibinato sa anak nito. Ang nakarating sa akin na tsika ng aking Parazzi Girl, ang anak daw nitong si Yna Asisitio ang naghahabol sa guwapong actor na si Mark Herras. Hmmmm….

Dahil noon pa raw ay may gusto na raw itong si Yna sa kapareha ni Jennylyn Mercado. Kaya ang batang actress na raw ang nagpapahiwatig sa actor na gusto niya ito.Hay, naloka ako, ha! Kaya nu’ng birthday raw ni Yna ay kinukulit daw ang ina nito na kung pwede si Mark Herras na lang ang maging kapareha nito. Okay naman daw kay Nadia kaya tinawagan raw si Mark na kung pwede ay siya ang maging kapareha ng anak nito.Ang nakakaloka, kahit nagpapahiwatig daw ang anak ni Nadia sa actor ay umiiwas daw ito.

Sa takot daw ng actor kay Nadia ay hindi puwedeng ligawan ni Mark ang anak nito. Hindi lang daw masabi-sabi ni Mark naayaw niya sa dalaga,huh! May ganu’n?

Pilit kong tinatawagan si Nadia para makuha ko ang panig niya pero nag-iba na yata ng number ang lola. Ha! Ha! Ha!

HINDI PA RAW makalimutan ng model-actress na si Isabel Oli ang dating jowa niyang si Paolo Contis na magiging ama na raw dahil sa nalalapit na pagsilang ng dancer ng Eat…Bulaga! na si Lian Paz na napabalitang buntis. Minsan din daw ay naiisip ng actress ang kanilang nakaraan ni Paolo at hindi raw ganu’n kadaling  makalimutan iyon. ‘Yan ang isa sa nakarating sa akin.

Pero nakapag-move on na raw ang actress-model ngayon at hindi na kagaya ng dati na halos hindi raw ito nakikipag-bonding sa mga kaibigan at masyadong diniddib ang nangyaring hiwalayan sa kanila noon.

Ngayon ay nag-e-enjoy naman daw siya sa kung ano ang nangyari sa buhay niya.

Sa ngayon ay halos hindi masilip ng kamera ang dating dancer na si Lian Paz na napabalitang malapit na ngang manganak. Naku, ha, ano kaya ang masasabi ni Mark Herras na isa rin sa naging karelasyon ni Lian noon? Kaloka, ha! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

6 thoughts on “Yna Asistio, naghahabol kay Mark Herras? – Tita Swarding

  1. malakas talaga karisma ni mark sa mga girls..totoo naman na itong anak ni nadia ang naghahabol! naku mark, wag na yan kc pag napakialaman mo yang anak ni nadia, magtago ka na kay mayor!

  2. talaga nmng napapansin na ng marami na naghahabol na tong si ynna asistio kay mark herras e.

    i mean cmon .. si mark herras papatol sa isang bagets na tulad nya? e makakakuha nmn sya ng girl na mas maganda at mas mature.

    nakiki-ride lang tong si herras para matulungan na mapabalita tong bagets na toh.

    payo kay mark herras .. unahin mo muna ang karera mo bago mo tulungan na ibangon ang isang tao na wala pa naman karera .. baka nakakalimutan mo na madami kang pinapakain sa loob ng bahay mo!

    and one more thing .. of course nagpalit na yon ng number dahil nagtatago sa mga maniningil! gets?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.