Yeng Constantino, umaasang ‘first and last’ ang BF niya ngayon

TULUYAN NANG binuksan ni Yeng Constantino ang kanyang puso sa tawag ng pag-ibig. Kamakailan lang, ginulat ni Yeng ang publiko when she posted a photo on her Instagram account with a caption, “Marami akong tanong tungkol sa pag-ibig simula pa noon… Totoo pala na pag naranasan mo saka mo lang tuluyang maiintindihan… Sa lahat ng dumaan sa buhay ko, sa ‘yo lang ako hindi natakot sumagot ng “oo”… Nawala lahat ng takot at lahat ng pangamba… At payapa ng puso ko… Sa bawat araw lalo pa lumalago ang pag-ibig ko para sa ‘yo… Nagpapasalamat ako kay God sa regalong ito… Ito na ang pinakamalupit na regalong natanggap ko… I love you love… Peksman.”

The 24-year old singer is so happy that she doesn’t mind sharing details about her love life. Proud niyang ipinakilala si Victor Christian Asuncion, isang worship leader sa Victory Christian Fellowship at dating lead vocalist ng bandang Indios. He is Yeng’s first official boyfriend; she is his first official girlfriend. They formally became a couple on June 18. Nagkakilala ang dalawa through a mutual friend.

They first met last year in an inspirational concert for their church. Simula noon ay pinaramdam na ni Victor ang kanyang magandang intensyon kay Yeng. But during that time, she was not yet ready to commit. Makalipas ang isang taon, muling nagkrus ang kanilang mga landas at dito na nagsimula ang kanilang love story.
Kuwento ni Yeng, “Masaya ako. Sobrang masaya po ako. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong klaseng saya. Para akong nasa Cloud 9. Sobrang iba talaga iyong feeling and mas lalong inspired ka to just be excellent and gawin iyong best ko sa lahat ng ginagawa ko. Sobrang blessing din siya sa akin.”
What made her say ‘Yes’ to him? Was there a sign she asked for? “Wala. Siya nga iyong mas may nakitang sign. Ako wala, eh. Desisyon lang talaga. Parang sabi niya sa akin na marami naman magandang babae, pero parang umaangat daw ako, parang hindi niya maintindihan na ‘pag ako raw iyong nakikita niya, iba raw talaga iyong nararamdaman niya.”
What are the things Victor does for her? What really made her fall for him? “Iyong love niya para sa mga tao. And he speaks about malasakit, like pag nakakakita siya ng mga tao. He wants to serve God. Iyon ang pinaka-rurok para sa akin kasi naniniwala talaga ako na kung ang lalaki, mahal si God, alam na alam niya kung paano ka niya mamahalin. Hindi naman siya magiging perpekto, eh. Alam ko naman iyon kasi tao iyan, eh. Pero alam niya kung saan siya babalik.”
Yeng hopes that Victor is her first and last love.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “Yeng Constantino, umaasang ‘first and last’ ang BF niya ngayon

  1. Magaling talagang kumanta itong si Yeng, it does not matter kung ano man ang kasarian ng isang tao, ang importante ay ang talent.  Beauty fades but talent stays.

Leave a Reply

Your email address will not be published.