Yeng Constantino, nagmamadaling mag-asawa

Yeng-ConstantinoNANALO SA 2014  Myx Music Awards si Yeng Constantino ng Favorite Female Artist na nakukuha ng singer sa loob ng sunud-sunod na apat na taon. Kasama ang fiancé na si Yan Asuncion, masayang-masaya si Yeng sa karangalang nakamit kung saan ngayon sa pang-apat na taon na pagkapanalo niya ay natagpuan na niya ang lalaking pakakasalan at makakasama niya habang-buhay.

Nahingan namin ng reaksyon sa sinasabi ng iba na masyadong mabilis daw ang desisyon nina Yeng at Yan na magpakasal na sa susunod na taon, gayong wala pa ngang isang taon ang kanilang relasyon, ayon kay Yeng wala namang maigsing panahon ‘pag nakilala mo na ang tamang tao para sa iyo. Naramdaman na lang niya na ang fiancé na talaga ang para sa kanya at ito na ang makakasama niya habang-buhay.

Very proud at buo ang suporta sa kasintahan, siniguro naman ni Yan na hindi niya pipigilan si Yeng na kumanta at mag-perform kahit na magpakasal na sila lalo’t alam niya na ito ang buhay ni Yeng.

Sa susunod na taon na ang binabalak na pagpapakasal, buo ang suporta na ibinibigay ng kanilang mga pamilya sa kanilang desisyon at botong-boto ang pamilya ni Yan sa singer kung saan malapit at madalas kausap ni Yeng ang ina ng kasintahan.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

One thought on “Yeng Constantino, nagmamadaling mag-asawa

Leave a Reply

Your email address will not be published.