Yeng Constantino, ipinagtanggol ang BF sa ginawang ‘gimik’

IDINEPENSA SA amin ni Yeng Constantino ang non-showbiz boyfriend na si Victor ‘Yan’ Asuncion sa paratang ng iba na gumimik daw ito sa nakarang Star Magic Ball kung kaya’t dumating ito sa nasabing event na may dalang bulaklak at lumuhod pa sa harap ng singer na nakaagaw daw ng atensyon ng maraming tao.

Klinaro ni Yeng na ‘di sila nag-away ng boyfriend kung kaya’t ginawa nito ang nasabing aksyon. Sumunod daw ito sa kanya dahil hindi siya nasamahan kung saan galing sa trabaho nito  si Yan, may dala itong bulaklak at lumuhod sa harap niya sa lobby ng hotel.

Ayon kay Yeng, secured silang dalawa ni Yan, lalo na ang boyfriend nito sa kanyang sarili, at hindi ito magpapatinag sa kahit na anong sasabihin ng ibang tao. Kinikilig at touched sa gesture ng boyfriend dahil kilalang tahimik itong tao, pero gumawa ito ng bagay para lang iparamdam sa kanya kung gaano siya kaespesyal para rito.

Masaya at kuntento sa tinatakbo ng kanilang relasyon, sa tatlong buwang relasyon nila ni ‘Yan’ ay inamin ni Yeng na marami siyang natutuhan dito. Ngayon, natutuhan ng singer na iba pala talaga ‘pag nasa isang relasyon ka na at maging sa paggawa ng desisyon ay hindi na siya nag-iisa kung saan napatunayan niya na nakama-mature ito.

Masaya rin sa tinatakbo ng kanyang career, kung saan kinumpirma sa amin ni Yeng na magkakaroon ng repeat ang concert nila ni Bamboo sa Marso sa susunod na taon. Hit na hit din ang kanta niyang Chinito mula sa kanyang album na Metemorphosis.

NAGKAROON NG victory party si Mrs. Joyce Penas Pilarsky ang nanalo n g People Choice Award at International Ambassador recoginition sa nakaraang Mrs. Magnificent Women Icons International o Mrs. MWI sa Niagara Falls, USA noong nakaraang August 4-9, kung saan 21 candidates mula sa iba’t ibang bansa ang nakalaban niya.

Dating flight attendant at fashion model, ngayon ay isa nang kilalang fashion at jewelry designer si Joyce hindi lang sa bansa kundi maging sa Germany, kung saan naninirahan sila ng asawang si Mr. Ginster Pilarsky.

Presidente ng Filipino-German Club sa Germany, si Joyce ay may-akda rin ng beauty book na YSG o Young, Sexy and Gorgeous. Tumutulong at sinusuportahan din ang Gintong Palad Foundation na ang layunin ay makapagpatayo ng mga eskuwelahan sa mga kabataang walang kakayahang makapag-aral dahil sa kakapusan sa buhay.

Maganda man ang buhay sa Germany, hindi pa rin nakalilimutan ni Joyce ang Pilipinas na siya niyang pinanggalingan kung kaya’t nasa puso pa rin niya ang tumulong sa mga kabataan nating gustong makapag-aral at makamit ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

One thought on “Yeng Constantino, ipinagtanggol ang BF sa ginawang ‘gimik’

Leave a Reply

Your email address will not be published.