Yeng Constantino, insecure with PDA newcomers?

HINDI RAW INSECURE si Yeng Constantino sa bagong hitmakers from the Pinoy Dream Academy na sina Laarni Lozada at Bugoy Drilon. Si Laarni, maingay sa theme song ng Kambal sa Uma, samantalang si Bugoy ay nagmarka sa Paano na Kaya? samantalang matagal na nga naman ang Hawak-Kamay na pinasikat ni Yeng, pero hindi pa ito nasusundan ng isang bonggang hit.

Inaamin ni Yeng na hindi ganoon kadaling makasungkit ng hit at walang pormulang puwedeng sundin ang mga composer para lang makatiyak sa kantang totoong tatangkilikin ng masa. Kaya sa bagong album niyang ilalabas ng Star Records, ayaw na niyang basta magpa-pressure para lang magkaroon uli ng malaking hit. Tama na ‘yung maging masaya siya sa pagbenta ng kanyang albums.

Nilinaw ni Yeng ‘yung isyung insecure siya sa gaya nina Bugoy at Laarni. Ang totoo raw, tinatawagan pa siya ni Bugoy para sa ilang tips. Natutuwa nga si Yeng dahil nararamdaman niyang malapit sa kanya ang mga sumunod sa kanila sa PDA. Hindi raw nahihiya ang mga itong lumapit sa kanya, which she appreciates.

Walang basehan ang insecurities issue dahil mas marami na rin talagang na-accomplish si Yeng. Ilang awards na ang natanggap niya at hit concerts sa kanyang kredito sa maiksing panahon niyang inilagi sa showbiz, na palagay namin, bibilang ng mas mahabang panahon sa mga successor niya sa PDA para lang mapantayan.

Si Yeng ay kasama nina Toni Gonzaga at Erik Santos na aawit ng theme song para sa 150th anniversary ng Philippine National Red Cross. Para kay Yeng, ang kawanggawang ito ay higit pa sa ilang pagkilalang iginawad sa kanya sa kontribusyon niya sa musika.

WALA NA NGANG hinto ang intrigang hatid ng ugnayan nina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado. Lalo na’t pati ang ina ni Patrick ay tila galit pa kay Jennylyn dahil sa pagdaramot nito sa anak nila ni Patrick.

Hindi malalayo si Glaiza de Castro sa pagkakaugnay sa mga susunod na kontrobersiya, lalo na’t sina Patrick at Glaiza ang magpapareha sa bagong afternoon teleserye ng GMA 7, ang Huwag Mong Agawin ang Lahat sa Akin. Ayon naman kay Glaiza, natatawa na lang siya sa kung anu-anong palagay ng mga tao sa kanila ni Patrick.

Mula nang makita silang magkasamang nanood ng concert noon nina Rihanna at Chris Brown, hindi na sila tinantanan ng intriga.

Inamin ni Glaiza na nagpapakita ng pagkagiliw si Patrick sa kanya. Nagpapadala ito ng mga bulaklak, pero hindi nangangahulugang may nangyayari nang espesyal sa pagitan nila. Lalo na ngayon, trabaho lang daw ang haharapin nilang dalawa sa mga susunod na araw.

Tingnan na lang natin kung anu-ano ang magiging kaganapan pa sa mas madalas na pagkikita nina Patrick at Glaiza sa set ng bago nilang teleserye sa GMA 7.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

4 thoughts on “Yeng Constantino, insecure with PDA newcomers?

  1. yeng adik…o cge di sya insecure pero parang di nya feel makipagsabayan sa mga bagong pda scholars..nanood kaba ng tv?i remembered one time in asap yung sina rachel ann,erikchristian may pahawak hawak at eye to eye sa mga partners nilang bagong pda eh yung partner ni yeng si bugoy si bugoy tingin ng tingin kay yeng for eye to eye contact pero si yeng steady lang ang mata nya sa harap at di sya humawak sa kamay or beywang ni bugoy buti pa yung iba na more sikat than her..

  2. well.. i believe na ndi insecure c ate yeng xa mga other pda scholars.. kc wla nmn xang dpt ika.insecuran.. mrmi na xang na accomplish.. i mean.. awards.. nominations.. mga pnackat na knta at kng anu2 pa.. ate yeng is a gud person.. at mrming mgpa2tunay jn.. kya aym veri proud na xvhn xa buong mundo na iniidolo q xa.. ndi lmng xa knyang talento xa pgknta at pg compose kundi pti nrin ang pggng isng buting tao ni ate yeng.. un lng.. WE LOVE YENG!!!

  3. yeah shes insecure the way she acts everytime they have a number in asap..they means yeng and the latest pda…

Leave a Reply

Your email address will not be published.