Yeng Constantino, happiest woman on Earth

Yeng-Constantino- Victor-AsuncionMONTHS AFTER Yeng Constantino proudly confirmed that she is in a romantic relationship with Victor Christian Asuncion ay muli niyang ibinahagi sa publiko ang magandang balita na engaged na silang dalawa. He is Yeng’s first official boyfriend; she is his first official girlfriend.

Katulad ng dati, Yeng doesn’t mind sharing details about her love life to the public. Sa Instagram unang nalaman ang kanilang relasyon ni Yan (palayaw ni Victor) at ngayon naman ay inannounce niya dito ang tungkol sa kanilang engagement. Makikita sa kanyang post ang dalawang kamay na magkahawak while the other has a ring at may caption itong ‘I said yes.’ Previously, Yeng posted on Instagram the line ‘Happiest woman on earth right now…’

The couple watched the play Rak of Aegis with Sam Milby, Eugene Domingo, and other close friends. Pagkatapos nito ay pumunta silang dalawa sa The Fort. Yeng didn’t know that Yan had been carrying the ring all day. He brought her to a field, ang lugar where they first dated at doon lumuhod si Yan habang umiiyak na nag-propose kay Yeng.
Why did Yan think Yeng is ‘the one’? “Noong first time pa lang ako na nagsabi sa kanya na liligawan ko siya, alam ko na siya ang gusto ko. Ito na talaga ang girl na ipu-pursue ko. Siya talaga ang gusto ko habang buhay. Doon pa lang alam ko. So, hindi na masyadong effort noong nag-propose ako sa kanya kasi decided na ako,” paliwanag ni Yan sa Buzz ng Bayan.

Yeng described her fiancé. “Si Yan, sobrang tahimik po talaga. Kaya ganoon din ang engagement namin. Sobrang na-appreciate ko iyon kasi it’s so him. He’s so private. It doesn’t matter kung saan, kung kailan. Basta ako, siya iyon eh. Iyon ang pinakamahalaga sa akin.”

Their love story is an open book. Yan is a worship leader sa Victory Christian Fellowship. They first met in an inspirational concert for their church. Simula noon ay pinaramdam na ni Yan ang kanyang magandang intension kay Yeng. But during that time, she was not yet ready to commit. Pero hindi siya sumuko hanggang sa makamit ang matamis na oo ni Yeng noong June 18, 2013.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “Yeng Constantino, happiest woman on Earth

Leave a Reply

Your email address will not be published.