Yen Santos, nagmumura ang ‘star aura’ sa “Northern Lights”

NATATAWA at naiiling lang si Yen Santos, leading lady ni Piolo Pascual sa “Northern Lights: A Journey To Love” sa isyung meron na siyang anak sa isang politician.

Yen Santos

“Meron kasing gustong manligaw noon sa akin na isang politician pero hindi naman natuloy. Tapos siyemre, meron akong kapatid, so parang do’n na siya lumabas, idinikit na nila ‘yung isyu, paliwanag ng dalaga.

Eh, ano ang reaksyon niya kapag sinasabi ng iba na ‘yung sinasabing kapatid niya ay anak niya raw?

“Wala. Deadma lang. Saka, kasi bata ‘yon, ‘di ba? Three years old lang po ‘yon, so mahirap madamay,” depensa niya.

Samantala, lutang na lutang ang ganda ngayon ni Yen kahit pa walang nagpapatibok ng puso niya. Everytime na nakikita namin siya sa promo o presscon ng “Northern Lights” ay nagmumura ang kanyang ‘star aura’. She is really destined to be a big star kumbaga. 

“Masaya lang po. At saka blessed, kasi sa kauna-unahang movie ko ay si Piolo kaagad ang nakapareha ko. Saan ka pa?” masaya niyang pahayag.

Samantala, kahit inamin ng dalaga na nakamit na niya ang ultimate dream na makapareha si Piolo Pascual sa pelikulang “Northern Lights”, handang-handa pa rin daw siyang makatrabaho ang ibang Kapamilya leading men.

“Kahit naman po sinabi ko noon na parang quota na ako kasi naka-partner ko na si Piolo, marami pa rin po akong gustong makatrabaho. Lahat po ng magagaling na Kapamilya actor, kung pupuwede, gusto kong makatrabaho,” sey pa ni Yen.

Previous articleMother Lily, pinaiyak si Piolo Pascual sa “Northern Lights” presscon
Next articlePaghalik sa lips, normal lang sa pamilya nina Piolo Pascual, kaya ‘di dapat gawing isyu!

No posts to display