Yen Santos, hindi bet maging Darna!

Yen Santos

MASAYA si Yen Santos sa nagig success ABS-CBN TV series na Halik kung saan isa siya sa mga bida together with Sam Milby, Yam Concepcion and Jericho Rosales.

The hit series will end this week.

Ani Yen, “Super-duper happy ako and very thankful talaga na naging hit yung show and siyempre sobrang pasasalamat namin sa fans na talagang tinutukan kami from the very beginning.

Aminado si Yen na marami siyang mami-miss kapag natapos na ang Halik.

 “Maraming mami-miss dahil ang tagal naming nagsama-sama. One year mahigit naming ginawa yung show, so siyempre yung friendship nandun na. Na-extend na po kami, maraming beses,” sambit pa niya.

After Halik ay gagawa naman si Yen ng pelikula.

“Meron po akong ginagawang film ngayon, yung Two Love You, kaya hindi po muna magbabakasyon. Sana makapasok po siya for PPP (Pista ng Pelikulang Pilipino).

“Then after nun, bakasyon na rin, baka po sa States naman,” sabi niya ulit.

Dahil hot topic kung sino ang gaganap na Darna ngayong nag-back out na si Liza Soberano kaya natanong din si Yen kung ano ang pakiramdam niya na may mga naniniwalang puwede rin siyang maging Darna?

“Ay! Wow! Naku po! Baka po puwedeng ako na lang yung bato,” sabay tawa ng aktres.

Dagdag niya, “Naku, feeling ko po ano, hindi po yun para sa akin.”

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.