Yebra Kumanta, PNP Walang Nego Team

WALANG OFFICIAL NEGOTIATING team ang Philippine National Police (PNP) sa naganap na hostage crisis na pumatay sa walong turistang Tsino, ayon sa isang chief negotiator noong Agosto 23 kung saan naging palpak ang resulta ng ginawang rescue operation.

“The negotiating team does not really exist, until now, officially,” pahayag ni Supt. Orlando Yebra, ang sinasabing chief negotiator.

Sa ikatlong araw ng marathon hearing na binubuo ng limang miyembrong panel sa pangunguna ni Justice Secretary Leila de Lima, sinabi ni Yebra sa kanyang testimonya na walang negotiation manual ang PNP at tanging diskusyunan lang kung anong gagawin sa nagaganap noon na hostage situation.

Batay sa pahayag ni Yebra, habang nagaganap ang naturang hostage drama sa Rizal Park ay kumuha ng three-man team si Chief Supt. Leocadio Santiago ng National Capital Region Police Office para sa kanyang back-up.

Si Yebra, chief ng Manila Police District legal office na siyang dumadalo sa mga courses hinggil sa mga hostage situations sa Australia at United States, ay nagsasabing hindi sila naging bahagi ng kanyang grupo sa naganap na negosasyon.

Batay sa naging sagot ni Yebra kay De Lima sa naging tanong nito na kung sa tingin nito’y isa bang malaking failure ang naging resulta ng operasyon? “Yes, Ma’am, because I wasn’t able to take out all of them. Although there were nine [hostages released]… it was a failure. Our goal is to save the lives of the victims and the hostage-taker.”

“Officially there is no negotiation unit yet in the PNP, I proposed for the creation of that already in 2007,” ayon pa rin kay Yebra. Pero wala pang kaukulang resulta ang kanyang isinumiteng proposal.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.